malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty sa mga nagtatrabaho o gumagawa ng activity ng walang kaukulang permit

Feb. 01, 2017 (Wed), 6,017 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang ilang type ng visa na binibigay ng Japan Immigration ay meron mga limitation. At kung kayo ay gagawa ng mga activity na labas sa limitation na ito, masasabing ito ay illegal at punishable by immigration law. Kung nais ninyong magsagawa ng activity na beyond sa allowed ng visa na hawak ninyo, kailangan ninyong kumuha ng permit sa immigration. Ito ang tinatawag na SHIKAKUGAI KATSUDOU KYOKA in Japanese.


For example, kung STUDENT VISA ang hawak ninyo at nais ninyong mag-work, you need na kumuha ng SHIKAKUGAI KATSUDOU KYOKA. Ganun din sa mga FAMILY STAY VISA holder. Kailangan nyo rin na kumuha ng permit na ito. Para naman sa mga TOURIST VISA at FAMILY VISIT VISA holder, ang ganitong visa ay hindi allowed na gumawa ng anomang activity. So limited lamang ang magiging activity ninyo sa itinakda ng visa ninyo.

Kung kayo ay gumawa ng ibang activity na labas na sa limitation ng visa ninyo, at kayo ay nahuli, papatawan kayo ng penalty at ang penalty nila dito ay pagkakulong ng hindi lalampas sa isang taon, o pagmulta ng hindi lalagpas sa 200 lapad, o maaaring ipataw pareho ang pagkakulong at multa ayon sa bigat ng inyong nagawang violation.

無許可資格外活動の罪の罰則は「1年以下の懲役若しくは禁錮若しくは200万円以下の罰金、又は懲役若しくは禁錮と罰金の併科」です。

Sa mga nagtatrabaho kahit na tourist o family visit visa lamang ang hawak, mag-iingat po kayo dahil pag kayo ay nahuli, hindi lamagn ang penalty sa taas ang ipapataw sa inyo, maaaring ma-block listed na kayo dito sa Japan, at pati na rin ang taong nag-invite sa inyo ay maaaring madamay.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.