Magkano ang magiging actual salary ng mga housekeeper na papasok sa Japan (A Simulation)? Jul. 28, 2016 (Thu), 1,965 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Since mag-uumpisa na ang pagpapasok ng mga housekeeper sa Kanagawa this year lets simulate kung magkano talaga ang magiging salary nila base on the condition of their employment and Japan implementation system for this program. Maraming mga lumalabas na mga balita, so lets try kung totoo nga ba ang mga ito.
Base sa nakalagay na condition ng kanilang magiging salary, ito ay magiging same or more pa sa mga nagtatrabaho now here in Japan in kaji daikou (home helper) service. As of now, ang per hour salary ng mga nagtatrabaho bilang home helper here in Japan ay mostly nasa 1,000 YEN above. As you can see on the image below, that is the salary info I get from homepage of one home helper company in Kanagawa Prefecture.
SALARY COMPUTATION:
If they will work a minimum 8 hours a day for 1,000 YEN, then they will have a daily salary of 8,000 YEN. Then compute this for 4 weeks or 20 days, then you will get a total of 160,000 YEN or 16 LAPAD. This is the minimum amount. If they will work overtime and during weekend and holidays, aabot ito ng 180,000 (18 lapad) or more pa. Sa amount na ito, wala ng ibabawas ang company where they are working since direct employment po sila.
MINIMUM SALARY = (1,000 YEN/HOUR) x (8 HOURS/DAY) x (20 DAYS/MONTH) = 160,000 YEN/MONTH
SOCIAL INSURANCE DEDUCTION:
Para naman sa magiging deduction, mula sa 16 lapad na minimum salary nila, social insurance (pension, health insurance, unemployment insurance) will be deducted. Kung pagsasamahin ang lahat ng ito, ang ibabawas ay mahigit nasa 22,000 YEN (Source: Heikin Nensyuu) sa salary na 16 lapad.
TAXABLE SALARY = MIN SALARY - SOCIAL INSURANCE = 160,000 - 22,000 = 138,000 YEN
INCOME TAX DEDUCTION:
After na mabawas ang mga social insurance sa actual minimum salary, the income tax will be deducted next. Kung ang natitirang amount ay nasa 138,000 YEN na lamang, ang income tax na ibabawas ay nasa mahigit 2,610 YEN (Source: Heikin Nensyuu).
REMAINING SALARY = TAXABLE SALARY - INCOME TAX = 138,000 - 2,610 = 135,390 YEN
From above computation, we can say that the actual minimum salary na matitira na lamang sa mga housekeeper ay nasa 13 to 14 lapad monthly. Mula sa natitirang amount na ito, ibabawas ang bayad sa bahay, tubig, gas, electricity, internet, phone and foods for 1 month. Sa Kanagawa Prefecture, ang rent ng bahay ay nasa 6 to 7 lapad na siguro ang pinakamura. Kung ang bawat isa sa kanila ay kailangang kumuha ng bahay, then almost half of the remaining salary ay mawawala na sa upa pa lang ng bahay. Kung ganito ang mangyayari, marami ang aangal sigurado kaya hindi ganito ang magiging setup for sure.
Since ang employment status will be a direct hiring (but not a regular employee maybe a contract employee) sa isang company na kukuha sa kanila, siguro hindi magiging per hour basis ang salary ng mga ito. Meron silang susundin na basic salary per month. But then, ang mga deduction na gagawin ay same above. Then there will be no chance na ang mga ito ay titira ng mag-isa lamang sa isang apartment na kukunin sa kanila ng kanilang company. Malaki ang possibility na kukuha ang company ng isang parang dormitory at doon sila patitirahin ng sama-sama, or maybe 3 to 5 person per room. Kung kukuha ng isang bukken para sa bawat isang tao ang company, malaking sagabal ito sa kanila at malaki ang magagastos.
Since direct employment sila, maaaring meron silang matanggap na JUUTAKU TEATE (House Rent Allowance) kung saan maaaring sagutin ng company ang malaking percentage sa upa ng bahay. If this will happen, yong matitira na lamang ang paghahati-hatian na babayaran ng mga magkakasama sa isang apartment. And that will be a big help for them.
Hindi katulad sa Pinas, ang transpo allowance naman dito sa Japan ay sagot ng company. Kung ang work nila sa isang araw ay palipat lipat ng bahay base sa job order, walang magiging problem sa transpo. Since ang work nila ay nasa field lagi, meron ding possibility na bigyan sila ng HITEATE (Daily Allowance) na tinatawag para sa pagkain or meryenda. Maybe around 1,000 YEN kung meron ibibigay.
Kung maraming job order, and they will work overtime and also during weekend, malaki ang possibility na umabot ang salary nila ng 20 to 25 lapad monthly tulad din ng mga ilan nating kababayan na nagtatrabaho ng full time house keeper now here in Japan.
Kung sakaling meron part man silang babayaran para sa bahay, tubig, kuryente, gas, communication at pagkain, since shared sila dito malaki ang matitipid din nila. Sa natitirang 135,000 YEN kung ibawas natin ang kalahati dito (which I think hindi naman aabot), ang malinis na matitira sa kanilang amount ay nasa 7 lapad. Convert this to 0.4 exchange rate now, pumapatak na 28K ang malinis nilang maitatago a month.
This is only a minimum amount at maaaring magbago depende kung meron pa silang overtime or holiday work. Kung meron pa, aabot ng more than 30K ang pwede nilang maitago a month sa pagtatrabaho as a housekeeper here in Japan. Then, multiply this amount by 36 months, since 3 years ang maximum period of their work here, lalabas na meron silang maiiuwing minimum amount na 252 kalapad sa loob ng 3 years working here.
TOTAL SALARY = 7 LAPAD X 36 MONTHS = 252 LAPAD
Note: This is only a simulation and values may change depends on the actual contract between the company and housekeeper.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|