Philippine visa, need kung magtatagal ang inyong anak na Japanese sa Pinas Jan. 11, 2017 (Wed), 1,464 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa tagal na rin ng MALAGO, di na rin namin mabilang kung ilan na ang nanghingi sa amin ng mga payo mula sa mga anak ng Japanese na tumagal sa Pinas na hindi na nakabalik dito sa Japan. Asking for advise kung ano ang dapat nilang gawin dahil sa sila ay isang overstayer na Japanese na rin sa Pinas, at kadalasan ay meron kailangang malaking penalty na dapat daw bayaran na syang sinasabi sa kanila ng Philippine Immigration.
Nakaka-awa rin ang mga batang nasa ganitong situation. Sila ang nagdudusa dahil sa kapabayaan ng kanilang mga parents na ayusin kung ano ang dapat ayusin kung magtatagal ang kanilang mga anak sa Pinas lalo na ang kanilang mga visa. Kadalasan kasi ay ang visa lang dito sa Japan ang nasa isip ng parents, at di na naiisip na kailangan rin pala ang visa ng kanilang mga asawat anak na Japanese na uuwi at titigil sa Pinas ng matagalan.
Its a common sense lang din naman, hindi mga Pinoy ang mga Hapon, so kung magtatagal sila sa Pinas, need din nila ng longer visa or need na mag-apply ng extension ng kanilang visa kung ito ay mapapaso na rin sa Pinas. The same lang din ng ginagawa natin dito sa Japan.
Kung meron kayong mga anak na Japanese, better to know also the visa policy ng Pinas para sa mga Japanese just in case na meron mangyari at kailangan ninyong umuwi bigla or mag-stay na sa Pinas for good. This will help you a lot.
As of now, meron 30 DAYS FREE VISA na binibigay ang Philippine Immigration sa mga pumapasok na Japanese sa bansa natin. Beyond this, need na nilang kumuha ng proper visa, to stay longer in the Philippines. Same here in Japan, meron ding ibat ibang type ng visa na pwedeng makuha sa Pinas depende sa magiging main activity ng isang Japanese. So you need to apply the proper visa for them also.
Kung ayaw naman ninyong mapagod sa paglalakad ng visa ng inyong anak, you can apply for DUAL CITIZENSHIP ng anak ninyo. That way, pwede syang mag-stay sa Pinas ng wala kayong iisipin about sa visa nya kahit na tumagal pa ito.
The point here is you should be aware sa visa ng anak ninyong Japanese na titigil sa Pinas ng matagalan at hwag ninyong pababayaan na maging overstayer sya sa Pinas upang hindi sya sumapit sa situation ng ilang batang Japanese na nasa Pinas now at hindi makabalik sa Japan. Same here in Japan, meron ding kaukulang penalty sa mga overstayer ang Philippine Immigration na pinapataw na dapat din ninyong malaman. You can go to Philippine Immigration website for details about it.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|