malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Contract working period

Feb. 10, 2019 (Sun), 1,920 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa detalye ng nilalaman ng Working Agreement (WA) kung magtatrabaho kayo dito sa Japan, lets discuss first ang unang nilalaman nito which is the WORKING PERIOD.


Kung binigyan na kayong ng WA ng inyong magiging employer, first item na confirm ninyo bago ninyo ito pirmahan ay ang magiging WORKING PERIOD nyo sa kanila. Ang item na ito ay very important upang malaman nyo kung kelan ang start at hanggang kelan lamang ang magiging trabaho ninyo sa isang company.

Sa mga regular employee, ang kalimitang nakalagay dito ay 期間の定めなし (KIKAN NO SADAME NASHI), meaning walang end period ang work ninyo sa isang company hanggang gusto ninyo mag work sa kanila. At sa mga hindi naman regular employee, kadalasan na nakalagay dito ay 期間の定めあり(KIKAN NO SADAME ARI). Meaning nakasulat dito ng clear ang start and end ng work ninyo sa kanila.

Kung meron start and end ang inyong working period, kadalasan dito ay hindi lalagpas ng 3 YEARS ang magiging contract. Then madalas din na nakasulat dito kung meron bang gagawing contract renewal. Dapat na nakalagay dito kung kelan ito gagawin at kung ano ang magiging condition sa pag renew ng WA contract upang alam ng isang worker ang magiging situation nya.

Ang item na ito ay importante upang meron kayong laban sa inyong employer. Ang magiging merit nito sa inyo ay hindi nila kayo pwedeng tanggalin ng basta-basta sa work habang valid pa ang inyong WA dahil sa kagustuhan lamang nila dahil magiging violation ito sa labor law ng Japan at pwede nyo silang makasuhan dito.

Pag tinanggal nila kayo sa work na valid pa ang inyong WA, maaaring bayaran kayo ng employer ng danyos kung sila ay inyong iri-reklamo. So very important na meron kayong laging hawak na WA mula sa mga employer or company na pagtatrabahuan ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.