malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Reasons kung bakit advisable na maging member ka ng NENKIN dito sa Japan

Sep. 20, 2017 (Wed), 13,601 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kapag sinabing NENKIN (PENSION) ang unang pumapasok sa isip natin ay ang pension na matatanggap lang natin kapag tayo ay nag-retire na syang makakatulong sa ating pamumuhay sa ating pagtanda. Pero, hindi lamang ito ang naibibigay ng PENSION SYSTEM ng Japan.


Ang PENSION SYSTEM ng Japan ay hindi lamang PENSION lang talaga kundi ito ay parang LIFE INSURANCE na rin at the same time in case na meron mangyari sa isang member nito. Ito ang kagandahan ng pension system dito dahil sa oras na meron mangyari sa member, halimbawang na-accident at naging malubha ang kalagayan or namatay, meron tulong na ibibigay ang pension system.

Tatalakayin namin dito in details ang mga benefit na nakukuha sa NENKIN. Pero as a summary at para sa inyong kaalaman lamang. meron tatlong basic benefit na napapaloob sa NENKIN SYSTEM ito ay ang 老齢基礎年金( ROUREI KISO NENKIN) or RETIREMENT BASIC PENSION na makukuha natin sa pag-retire natin. Then pangalawa ay ang 障害基礎年金 (SYOUGAI KISO NENKIN) or BASIC PENSION FOR DISABLED PERSON, na ang purpose ay magbigay ng pension sa mga member na na-aksidente, at ang pangatlo ay ang 遺族基礎年金 (IZOKU KISO NENKIN) or BASIC PENSION FOR THE BEREAVED FAMILY, ito ay ang pension na binibigay naman para sa family na naiwan ng mga namatay na member.

So kung wala kayong LIFE INSURANCE na binabayaran now, mas advisable na magbayad ng inyong NENKIN contribution every month, dahil sa meron pension ka na sa pagtanda mo, parang insured ka pa in case na meron mangyari sa inyo sa pamumuhay dito sa Japan. And of course yong maibibigay sa inyong tulong just in case na meron mangyari sa inyo ay naka-base rin sa laki ng inyong contribution sa pension system.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.