malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Magkano ang maaaring matanggap sa Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 20, 2015 (Tue), 2,138 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang natatanggap na pera ng mga Seikatsu Hogo applicant ay hindi pare-pareho, kaya walang makakapagsabi sa inyo kung magkano talaga ang matatanggap nyo hanggat di kayo nakakapag-apply nito at hindi nyo natatanggap ang first month support ninyo at the time na maaprobahan. Pero para magkaroon kayo ng idea kung mga magkano ang tinatanggap ng mga Seikatsu Hogo applicants monthly, lets have a simple simulation here.


As you already know, meron walong klaseng assistance benefit ang napapaloob sa Seikatsu Hogo. Subalit ang Maternal, Funeral at Business Operation Assistance ay mga support na masasabi nating emergency cases lang, so mostly hindi ito napapaloob talaga sa monthly na natatanggap ng mga applicants. So ang common lang is yong Livelihood, Education, Housing, Medical at Nursing.

Lets say na meron isang Pinay at meron 2 anak, isang single mother now na nakatira here in Japan. Yong Pinay ay nasa 30 years old, yong panganay nyang anak ay nasa 12 years old, at ang bunso naman ay nasa 7 years old. This family ay nakatira now in Tokyo. The kids are both Japanese citizen at ang mother lang nila ang Filipino.

With the above condition, lets have a simple computation kung magkano ang makukuha nilang pera sa bawat assistance benefit na pwede nilang apply. Sa computation, magiging basehan ang kanilang mga edad at kung ilan silang member ng family dahil bawat amount na binibigay ay naka bracket.


A. Livelihood Assistance
For Livelihood Assistance, ang Pinay na nanay at mga anak ay makakatanggap ng amount base sa kanilang age at bilang ng member of the family.

Mother na Pinay (30 years old) - 40,410
Panganay na Anak (12 years old)- 44,850
Bunso na Anak (7 years old now)- 32,380
3 Members of the Family Support- 53,880
TOTAL = 171,520 (Plus 4,840 will be added during winter season)


B. Housing Assistance
Para sa Housing Assistance na matatanggap nila, this will be base also kung ilan silang member of the family. Kapag marami, mas malaki ang nakukuhang support.

3 or More Members of the Family- 40,000


C. School Education Assistance
Since meron syang anak na bata at parehong nasa age na kailangan ng mag-aral, ang mga ito ay makakatanggap ng education assistance din.

Panganay na Anak (12 years old)- 5,250
Bunso na Anak (7 years old now)- 5,250


D. Medical Assistance
Basically, kapag nakapasok ka na sa benefit na ito, wala ka na ring babayarang health insurance. Kung meron ka mang binabayaran or member kayo ng National Health Insurance, you will apply for removal of it. So wala ka na rin babayaran dito. Sa madaling salita, free ang anomang medical fee once na magkasakit ang member of the family sa case na ito.


F. Nursing Assistance
Sa case ng family na ito, wala silang matatanggap dahil wala naman member sa kanila ang nangangailangan ng assistance na ito at present.


After the simple computation above, ang TOTAL na matatanggap ng family na ito ay nasa 222,020 YEN (Plus 4,840 will be added during winter season) monthly. Kapag meron kang anak na 3 or more, makakatanggap ka ng more than 30 lapad monthly ayon na rin sa mga information na sinasabi ng mga applicants nito.

Now kung ang mother na Pinay ay meron work, ang kikitain nya monthly ay ibabawas sa amount na ito at ang natitira lamang dito ang syang ibibigay sa kanila. So kung halimbawang nagtrabaho sya at kumita ng 20 lapad, 2,020 na lang ang ibibigay sa kanya bilang support. This is the main reason kung bakit kahit meron trabaho ang iba ay hindi nila sinasabi dahil sa ikakaltas ito sa perang matatanggap nila.

So kung talagang nagtatrabaho sya at hindi nya ito sinasabi, ang monthly income nila will be (200,000 + 222,020) 40 lapad or more pa which is far bigger compare sa monhtly income ng mga naghihirap na nagtatrabaho at hindi tumatanggap ng seikatsu hogo benefit.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.