malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang mangyayari kapag tumanggap kayo ng nenkin before 65 years old?

Oct. 25, 2017 (Wed), 4,570 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



As a rule, ang nenkin ninyo here in Japan ay pwede ninyong makuha at the age of 65 years old. Meaning, ang nenkin amount na ibibigay sa inyo ay ayon sa normal computation nila, walang bawas at walang maidadagdag.


Subalit, pwede rin ninyong matanggap ng mas early ang inyong nenkin kung inyong gugustuhin simula sa age ninyo na 60 years old to 65 years old if you want to apply. Kaya lang ang malaking disadvanatge nito ay malaki rin ang maibabawas na amount sa inyong matatanggap na nenkin compare sa usual na starting period na age 65 years old. Tinatawag itong 年金の繰上げ受給 (NENKIN KURIAGE JUKYUU) sa Japanese.

Hindi recommendable na mag-start kayo ng pagtanggap ng nenkin from the age of 60 years old dahil malaki rin ang binabawas nila dito. Ayon sa kanilang computation table, ang binabawas nila sa inyong matatanggap na nenkin kung ito ay sisimulan ninyong tanggapin by the age of 60 years old ay nasa 30% to 24%. Then by the age of 61 years old ito ay nasa 24% to 18%, then by 62 years old is 18% to 12%, then 63 years old ay nasa 12% to 7%, then by 64 years old, nasa 7% to 0.5% na lang ang ibabawas nila.

One more thing, kapag tumanggap kayo ng nenkin simula 60 years old, maraming mga benefit na hindi nyo na pwedeng matanggap tulad ng DISABILITY PENSION in case na meron mangyari sa inyo at iba pa. Also, pag dating ng age ninyo ng 65 years old, mababa ang makukuha ninyong nenkin amount compare sa usual computation nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.