Penalty sa mga holder ng fake Residence Card Feb. 05, 2017 (Sun), 772 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Dito sa MALAGO, marami na rin kaming na-post na news about sa mga nahuhuli na mga foreigner na holder ng mga fake Residence Card (RC) ng mga police at immigration personnel.
Ang mga violators na nahuhuli dito ay kadalasang mga overstayer na gustong mag-trabaho dahil sa sobrang higpit na ngayon ng mga company na mag-hire ng mga workers. Napipilitan silang bumili ng fake RC sa mga brokers na kanila ring nakikilala sa mga kapwa nila overstayer.
Sa mga ganitong case, meron din mabigat na penalty na naghihintay sa mga violators na ito ayon sa itinakda ng Japan Immigration Law kung kayat hwag na hwag ninyong susubukang gumamit ng mga fake na RC upang hindi kayo mabigyan ng penalty.
Ayon sa law ng Japan, ang penalty na nakatakda para sa mga violators nito ay ang sumusunod:
(第73条の4) 行使の目的で偽造・変造された在留カードを所持した者は、5年以下の懲役又は50万円以下の罰金に処せられます。
Ang penalty na nakatakda dito ay PAGKAKULONG NG HINDI LALAGPAS NG LIMANG (5) TAON, O PAGBAYAD NG MULTA NA HINDI LALAGPAS SA 50 LAPAD.
Kung overstayer na kayo, hwag nyo na pong subukang gumamit ng mga fake RC upang hindi lalong maging mabigat ang inyong matatanggap na kaparusahan. Violation after violation ang syang maglulubog din sa inyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|