malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Company Benefits & Allowance

Apr. 07, 2019 (Sun), 1,905 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Isa sa mga maaaring maging reason ng paglaki ng matatanggap nyong monthly salary ay kung meron binibigay na benefits or allowance ang inyong magiging employer or company, so you need to confirm this also sa Working Agreement (WA) bago nyo ito pirmahan.


Maliban sa Basic Salary, ang mga allowance or benefit na ito ay malaki ang maitutulong sa isang employee kung meron syang matatanggap monthly. Dito sa Japan, lalo na sa mga malalking company at mga regular employee, common na meron silang natatanggap na Transpo Allowance (通勤手当 Tsuukin Teate), Housing Allowance (住宅手当 Juutaku Teate), Family Allowance (家族手当 Kazoku Teate), Executive Allowance (役職手当 Yakusyoku Teate) at Business Trip Allowance (出張手当 Syucchou Teate)

Ilan pa sa mga common na allowance ay ang 職務手当 Syokumu Teate (Position Allowance), 資格手当 Shikaku Teate (License & Skill Allowance) at 皆勤手当 Kaikin Teate (Perfect Attendance Allowance).

May mga benefits at allowance din na binibigay ang mga company depende sa nature ng work nila at location nito. So make sure na ma-confirm nyo rin ang mga ito kung ano ang nakasulat sa inyong WA bago nyo ito pirmahan.

Ang mga benefit at allowance na ito ay malaking maitutulong at maidadagdag sa inyong monthly basic salary kung kayat, piliin ninyo ang company or employer na merong binibigay na benefits.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.