KOKUMIN KENKOU HOKEN Benefit 8: Setting limit to your medical bill you can pay Aug. 07, 2017 (Mon), 1,695 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa dami ng mga benefits na pwede ninyong makuha sa KOKUMIN KENKOU HOKEN, ito ata ang pinaka-magandang benefit na pwede nyong ma-avail lalo na at the time na nagkaroon kayo ng malalang sakit dito sa Japan tulad ng cancer. Depende sa magiging lala ng sakit ninyo, kahit na meron pa kayong health insurance, meron cases na magiging malaki pa rin ang inyong bill na dapat ninyong bayaran. Kung sa tingin nyo na mangyayari as inyo ito, ito ang dapat ninyong apply na benefit.
This benefit is called 限度額適用認定証 (GENDOGAKU TEKIYOU NINTEISYOU), and its called [Certificate of Eligibility for Ceiling-Amount Application] sa English. Ang system na ito ay ginawa upang matulungan ang mga members nito na bayaran ang mataas na amount sa kanilang medical bill kung sakaling dumating ang oras na iyon. Sa madaling salita po, kung ano yong na-declare nyo na amount na kaya nyong bayaran, yon lang ang babayaran ninyo no matter how expensive yong charge na medical bill sa inyo ng hospital.
For example, sa isang buwan ay nagkaroon kayo ng medical bill na 100 lapad dahil sa sakit ninyo. Then by using your KENKOU HOKEN, ang charge sa inyo ay 30% which is 30 lapad. This amount is big para sa mga low income na mamamayan here. Kung meron kayong GENDOGAKU TEKIYOU NINTEISYOU, at na declare ninyo na 5 LAPAD lamang ang kaya nyong bayaran, yong 25 LAPAD na binayaran ninyo before hand ay pwedeng maibalik sa inyo, or 5 LAPAD na lang ang maaaring i-charge sa inyo ng hospital at hindi 30 lapad. This is a big help para sa mga meron sakit na member.
Ang amount na maaaring ma-declare sa inyo na kaya nyong bayaran ay nakabase sa inyong ANNUAL SALARY. Para sa mga hindi nagbabayad ng residence tax, ang amount ay nasa 35,000 YEN lamang daw. Then para sa mga ang salary ay nasa below 210 LAPAD naman, ang amount na maaaring ma-declare ay nasa mahigit 6 LAPAD. Para sa mga ang salary ay nasa 210 to 600 LAPAD, ang amount daw ay mahigit nasa 9 LAPAD lamang ang inyong babayaran. Kung ang inyong sahod naman ay aabot ng 600 to 900 lapad, aabot lamang sa mahigit 20 lapad ang limit na pwede ninyong bayaran.
Para mabayaran nyo lamang ang limit amount na nai-set sa inyo, you must submit this CERTIFICATE kasabay ng inyong KENKOU HOKEN CARD at the time na papasok kayo sa hospital. This way, alam na nila ang limit amount na kaya nyong bayaran at hanggang doon lamang ang kanilang charge sa inyo kung sakaling lumagpas man ang total.
Sinasabing ang CERTIFICATE na ito ay valid lamang for 1 YEAR. So kung sa tingin ninyo ay magkakaroon kayo ng malaking babayaran sa inyong medical bill, make sure na makapag-apply kayo agad ng CERTIFICATE na ito upang maiwasan ang malaking babayaran ninyo sa hospital.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|