Ano mangyayari sa inyong syakai hoken kung lilipat kayo ng company? Jan. 04, 2019 (Fri), 5,459 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung kayo ay nagtatrabaho sa ngayon at planong lumipat ng company or employer, better na pag-isipan nyo ng mabuti, bago kayo magpasa ng resignation sa inyong boss.
Isa sa mga dapat ninyong isipin ay ang inyong SYAKAI HOKEN or social insurance na binabayaran sa ngayon. Kung kayo ay hihinto sa trabaho at meron lilipatan agad na company, walang magiging problem siguro about it dahil patuloy ang inyong pagbabayad, at ang bagong company ninyo ang mag-aasikaso nito.
Subalit kung kayo ay hihinto sa work at wala pang malilipatang bago, at nahinto ng ilang buwan, dito kayo magkakaroon ng problema dahil need ninyong patuloy na dapat bayaran ang inyong SYAKAI HOKEN na NENKIN (Pension) at KENKOU HOKEN (Health Insurance) kahit na wala kayong work.
At the time na nag-stop kayo ng work, ang inyong KOUSEI NENKIN at KOUSEI KENKOU HOKEN ay automatic na mababago at magiging KOKUMIN KENKOU HOKEN at KOKUMIN NENKIN. You need to apply for this sa city hall kung saan po kayo nakatira here in Japan. Then pay them until na magkaroon ulit kayo ng work at maibalik sa KOUSEI NENKIN at KOUSEI KENKOU HOKEN ang inyong syakai hoken.
Remember na ang payment or contribution ninyo sa inyong nenkin at kenkou hoken ay hindi dapat maputol kahit na wala kayong work. Ang city hall ay papadalhan kayo ng notice about this kapag na-trace nilang meron kayong BLANK sa inyong naging contribution and need to pay them all.
Now, kapag meron na kayo ulit nakitang work at bagong employer, balik sa dati ang inyong syakai hoken.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|