malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Bonus and Promotion

Apr. 03, 2019 (Wed), 2,863 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Back to Working Agreement (WA) discussion, the next thing na dapat nyong check sa WA na ibinigay sa inyo ng inyong employer bago nyo ito pirmahan ay kung anong nakasaad sa Bonus and Promotion section, kung ano ang offer nila sa inyo.


Kung walang nakasaad tungkol dito at kayo ay pumirma sa kontrata, hwag na kayong mag expect na meron silang ibibigay sa inyong BONUS pagdating ng bonus season, and also don't expect na itataas din nila ang inyong sahod every year kung wala namang nakasaad tungkol dito sa WA na inyong pinirmahan.

Para meron kayong matanggap na bonus at salary increase, you have to negotiate to them about it at isulat dapat nila ito sa WA para makasigurado kayo na meron kayong matatanggap na BONUS at salary increase every year.

First sa part ng BONUS na nakasulat sa WA as 賞与 (SYOUYO), mostly sa mga regular employee, ang common na nakalagay dito ay twice a year. Meaning they can recieve a bonus ng dalawang beses sa isang taon, at kadalasan ay nakasulat din kung anong month ito ibibigay. Meron mga company lalo na yong mga malalaking company na minsan ay ginagawang 3 times pa ito. Sa mga part time worker, kung meron silang binibigay na bonus, dapat ding isulat kung magkano ito at kung kelan nila ibibigay.

Sa mga matataas ang position sa company, managerial or above, mostly wala silang bonus na natatanggap lalo na kung ang salary basis nila ay annual. Ang reason dito ay dahil yong bonus na dapat tanggapin nila ay kasama na sa tinatanggap nilang sahod monthly.

For PROMOTION naman which is written in WA as 昇格 (SYOUKAKU), mostly kung nakalagay ito sa WA ninyo, ang nakasulat dito ay ONCE A YEAR. Mostly, sa start ng fiscal year, month of APRIL nila ito ginagawa.

Meaning maaaring itaas nila ang sahod ninyo at maaaring ma-promote kayo depende sa naging resulta ng evaluation nila conducted once a year. So kung meron nakasulat sa WA ninyo tungkol dito, you can expect na maaaring itaas ang sahod ninyo. Kung wala naman, then wala rin kayong aasahan.

So, in summary, if you want to receive a BONUS at makatiyak kayong meron promotion or salary increase na gagawin sa inyo ng inyong employer, check nyo kung ano ang kasulatan nila sa inyong WA bago nyo ito pirmahan at mag-start ng work. It is important na merong kasulatan dahil kung wala, wala rin kayong maaasahan, and magiging useless lang din ang inyong mga reklamo sa kanila tungkol sa bonus at salary increase.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.