NENKIN BENEFIT 4: Temporary Welfare for Death of Family Oct. 17, 2017 (Tue), 1,016 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This benefit naman ay para sa mga member ng NENKIN categorized as FIRST DIVISION INSURED MEMBERS na kadalasang nagbabayad sa KOKUMIN NENKIN directly at hindi sa KOUSEI NENKIN sa company. Ang mga member nito ay mga farmers, mangingisda, mga arubaito, freelancer, student at pati mga single parents.
Ang benefit na ito ay tinatawag na 死亡一時金 (SHIBOU ICHIJIKIN) or Temporary Welfare for Death of Family sa English. Ang benefit na ito ay pwedeng makuha ng naiwang family (Asawa, anak, parents, apo, mga grandparents at mga kapatid), kapag namatay ang isang member ng NENKIN. Ang condition sa pagtanggap nito ay dapat nakapag contribute ang isang member na namatay ng more than 3 years or 36 MONTHS, at hindi nakatanggap ng retirement pension, or disability pension bago sya mamatay.
Ang pag-apply nito ay gawin agad dapat dahil hindi na kayo makakapag-apply kapag nakalipas na ang dalawang taon after na mamatay ang member. Para sa application nito, kailangan ang NENKIN TECHOU ng member na namatay, Toseki Touhon (Family Register), Juuminhyou (Residence Certificate), bank account at hanko (seal). Pumunta lang sa pinakamalapit na nenkin office sa inyong lugar na meron jurisdiction sa area ninyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|