malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Sa mga magpapakasal dito sa Japan, alamin ang pagkakaiba ng LCCM sa Marriage License

Jan. 26, 2017 (Thu), 3,843 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Base sa mga nagtatanong sa amin here in MALAGO na gustong magpakasal dito sa Japan maging parehong Pinoy man or Japanese ang kanilang partner, maraming hindi nakaka-alam kung ano ba talaga ang kukunin na document, kung LCCM ba or Marriage License. Para sa kaalaman ng lahat ito po ang kanilang pagkakaiba mula sa definition na nakasulat sa website ng Philippine Embassy dito sa Japan.



LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE (LCCM)
A Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage (LCCM) is issued ONLY to Filipinos presently residing in Japan wishing to get married to a foreign national. Personal appearance of the Filipino applicant and foreign national fiancé / fiancée is required.


MARRIAGE LICENSE (ML)
A marriage license may be issued to Filipino couples presently residing in Japan who wish to get married at the Philippine Embassy in Tokyo. Personal appearance of both parties is required.


Base sa explanation above, depende sa citizenship ng partner ninyo malalaman kung ano ang dapat ninyong kuning document upang maikasal dito sa Japan. Kung pareho kayong PINOY, ML dapat ang kunin ninyo, at kung Japanese or foreigner po, LCCM naman ang dapat.

Now, may mga kababayan tayong gustong magpakasal sa city hall dahil na rin sa ina-allowed or tinatanggap din ng mga local government ng Japan ang pag-submit ng KEKKON TODOKE kaya lang required nila ang pagsubmit ng 婚姻要件具備証明書 (KEKKON YOUKEN GUBI SYOUMEISYO) or LCCM in English. Marami sa mga city hall personnel ang hindi alam na kapag parehong Pinoy ang magpapakasal, hindi nagbibigay ang Philippine Embassy ng document na ito at dapat ay ML ang ipasa at ipakita sa kanila.

Sa side naman ng parehong Pinoy na mag-papakasal, dahil sa hinahanapan sila ng LCCM, they will apply for it in Philippine Embassy at marami sa kanila ang nakakakuha rin nito kahit na pareho silang Pinoy. By their definition above, dapat hindi nila binibigyan ng LCCM ang parehong Pinoy na magpapakasal. Subalit marami ang nakakakuha rin nito at mukhang hindi nako-confirm talaga ng Philippine Embassy mabuti kung parehong Pinoy ba ang nag-aapply ng LCCM bago nila bigyan nito. As a proof of it, may mga natanggap na kaming LCCM translation request here in MALAGO na parehong Pinoy ang magpapakasal.

So what is the problem with this? Sa mga parehong Pinoy na nagpakasal at nag-submit ng LCCM document sa city hall, meron possibility na ang kasal ninyo ay maging void dahil ang pinasa ninyong document ay hindi akma sa batas na nilalahad.

Para maiwasan ang anomang maging problem in the future, sumunod po sa tamang procedure sa pagpapakasal and as possible, kung pareho kayong Pinoy, wag sa city hall kundi sa Philippine Embassy kayo mismo kumuha ng ML at magpakasal, sabay ng pagpasa na rin ninyo ng REPORT OF MARRIAGE upang magkaroon or pumasok sa PSA ang inyong marriage record.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.