malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Mag-ingat sa mga Real State Scam na kumakalat now here in Japan

Dec. 15, 2016 (Thu), 1,353 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



This is the latest scam or panloloko na natanggap namin here in MALAGO mula sa ilang individual and group na nabiktima ng mga ilang real state agents and distributor, asking for some advise kung paano nila mahahabol ang nakuha sa kanilang pera.


According to their story, nakilala nila ang mga agents and distributor na nanloko sa kanila sa FACEBOOK lang, then nakipagkita sila personally here in Japan para sa presentation ng property na gusto nilang makuha dahil sa nagkaroon sila ng interest dito. Then after a long business negotiation, nagbigay sila ng pera for the reservation and down payment sa property na kinuha nila. Then after a few days, nawala na bigla ang group, no where to contact and their money is gone. And the sad thing is, wala silang nakuhang personal identification like passport nong nanloko sa kanilang tao.

Kung isa ka sa mga nabiktima ng scam na ito, you can share your story here in this post bilang reference ng ibang tao ng hindi rin sila maloko. You can also post the picture ng mga taong nanloko sa inyo here if you want on your own responsibility.

As you know, Philippines economy is growing now at maraming nagtatayo ng mga mansion, condo, at iba pang mga properties sa atin. At karamihan sa mga developer company na ito, ang primary target nilang buyer ay mga Pinoy here in Japan dahil sa alam nilang meron buying power ang karamihang Pinoy here to sell theri properties. You will also notice that, for this past few years, marami ring mga real state developer ang sumasali sa mga Pinoy Events here in Japan promoting their properties back home.

So, sa daming lumalabas na mga developer now, ginagamit ito ng mga manloloko para makapang biktima ng mga kababayan natin here in Japan na gustong bumili ng mga properties back home. So kung hindi kayo mag-iingat, baka isa kayo sa maging biktima nila. Madali na ring makapasok ngayon ang mga manlolokong ito here in Japan dahil sa pagbabagong ginawa ng Japan Immigration in visa application lalo na sa mga tourist. Kaya kung makita nilang interesado kayo, it is easy for them to meet you here in Japan personally.

Sinasabing ang pagbili ng bahay at lupa ang pinakamalaking shopping na ginagawa ng isang average person sa kanyang buhay. Kaya dapat ninyong sigurohin na ang ginagawa ninyong pagbili ng mga properties ay totoo at hindi kayo maloloko at baka mauwi sa wala ang inipon ninyong pera na pinagpaguran.

Maging smart. Alamin mabuti ang dapat malaman bago magbigay ng anomang pera sa mga taong ito. At higit sa lahat, siguradohin ninyong makuha nyo man lamang ang copy ng passport o anomang identification ng taong kausap ninyo upang meron kayong mapanghawakan man lang sakaling mangyari sa inyo ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.