malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Magkano ang kailangan na amount sa pag-guarantor sa visit visa?

Jan. 11, 2019 (Fri), 5,575 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ito ang isa sa mga common na tinatanong sa amin dito sa MALAGO ng mga taong gustong mag-invite ng kanilang family member, relatives or friends papuntang Japan. Ang tanong na ito ay walang makakasagot ng tama kundi kayo lang din dahil kayo ang nakaka-alam kung ano ang magiging activity ng taong gusto ninyong papuntahin dito.


Para ma-compute ninyo ang maaaring abuting amount na gagasutisin nila sa pagpunta dito sa Japan na inyong sasagutin bilang guarantor, check ninyo ang plan ninyong activity na gagawin nila, then also kung hanggang kelan sila dito. Magkano ang kanilang magagastos sa isang araw, sa mga lakad na gagawin, ang kanilang magiging pamasahe kung ito ay sagot nyo rin, by simple computation lamang makukuha na ninyo ang total nito.

Ilan sa mga items na dapat ninyong isama sa computation ay ang plane ticket, travel tax sa Pinas, terminal fee, departure tax sa Japan side, hotel reservation kung meron kayong magiging lakad, food kung lalabas din kayo, and omiyage. Kahit lang sa mga item na ito, makukuha na ninyo ang magiging total expenses.

Ang pagpapakita ng inyong bank account ay isa sa magiging factor ng Japanese Embassy upang malaman nila kung meron kayong financial capability. So kung makita nilang wala kayong enough money bilang isang guarantor, malaki ang possibility na ma-deny ang application ninyo.

Be aware na ang ipapakita ninyong pera sa inyong bank account ay hindi lamang ang coverage ng expenses nila pagdating ng Japan. Dapat meron kayong extra amount, just in case na meron mangyaring accident or emergency. Bilang isang guarantor, its your responsibility na sagutin din ito, kaya dapat ay meron kayong maipakitang enough money talaga.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.