malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Bakit dumarami ang illegal na tumatanggap ng Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 28, 2015 (Wed), 1,119 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Recently, dumarami na ang bilang nga mga applicants ng benefit na ito at inaasahan pang dadami ayon sa Ministry of Labor of Japan. Kasabay ng pagdami ng bilang ng applicants, dumarami rin ang bilang ng mga cases kung saan nahuhuli ang isang applicant na illegal na tumatanggap ng benefit na ito.


Sinasabing ang main reason kung bakit dumarami ang bilang ng mga illegal na tumatanggap nito ay ang sobrang luwag ng screening na sinasagawa ng mga local government sa bawat lugar. Sa kaluwagang ito, madaming nakikitang butas ang mga applicant upang madaling maaprobahan ang kanilang application.

Sa interview at investigation na sinasagawa ng isang case worker, napapaloob dito ang pag check kung meron bang kakayahan ang family at mga kamag-anak ng applicant na suportahan sya sa pamumuhay or hindi. Subalit maraming cases na ito ay hindi naisasagawa dahil na rin sa issue na privacy policy at sa pagtago ng family background ng isang applicant. Dahil dito marami ang naaaprobahan ang application kahit na meron silang family or relatives na pwedeng tumulong sa kanila.

Isa pa sa mga reason ay ang pagtago ng mga asset ng isang applicant. May mga cases na bago mag-apply ang isang aplikante, kanya munang nililinis or tinatago ang kanyang mga asset upang maipakita sa case worker na wala syang anumang ari-arian, at dahil dito madali rin maaprobahan ang kanyang application.

Isa pa sa isang halimbawa na ginagawa ng mga matatanda ay ang pagtago ng kanilang ari-arian at pera. Bago sila mag-apply ng Seikatsu Hogo, kanila munang pinamamana lahat ang kanilang pera at iba pa sa kanilang mga anak or apo, kung kayat lumalabas na wala rin silang pera at the time of their application. With this, madali rin maaprobahan ang kanilang application.

Dahil sa pagdami ng bilang ng mga nahuhuling applicant, maraming ginagawang pagbabago sa guidelines ng benefit na ito kasama na rin ang pagbibigay ng rights sa mga case worker na mag-investigate more kahit ito ay napapaloob na sa privacy ng isang applicant. Pinabibigat rin nila ang mga punishment na pinapataw now sa mga applicants na nahuhuli.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.