malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Step by step procedure to get driving license here in Japan

Jun. 22, 2018 (Fri), 1,421 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



If you are planning to get driver license here in Japan sa mga driving school na common din na ginagawa ng mga Japanese, ito ang mga step by step na procedure na kinakailangan mong pagdaan until na makakuha kayo ng driving license.


Ang procedure na ito ay para lamang sa driving license ng common vehicle (four wheeler car) na ginagamit dito sa Japan which is equivalent sa NON-PRO driving license sa Pinas. Ito ang steps na dapat nyong gawin at pagdaanan.


STEP 1: Select what driving school you want to go
First, ang dapat nyong gawin ay mamili ng mga driving school kung saan nyo gustong mag-aral ng driving here in Japan. Piliin nyo ang school na very convenient para sa inyo upang hindi magkaroon ng conflict na maaaring maging dahilan na hindi nyo ma-complete ang course na kinukuha ninyo.


STEP 2: First Part of driving study (lecture & actual driving)
Once na nakapili na kayo ng school na inyong papasukan at successfully kayong nakapag-enroll, ang dapat nyong gawin ay ma-complete ang driving course na nilalaan ng mga driving school. Merong pagkakaiba ng kunti kung ang gusto nyong matutunan ay manual driving or automatic driving.

Meron itong two parts, lecture and actual driving lesson. Sa lecture, merong mahigit 9 HOURS ng lecture na dapat nyong masalihan. Dito nila ituturo ang rules in driving here in Japan, meaning ng mga road sign and symbols, road accidents, at marami pang iba. Sa actual driving naman, this is the part na sasakay na kayo sa car, at ituturo sa inyo ang actual driving techniques. Aabotin ito ng mahigit 12 to 15 HOURS naman.

Sa step na ito, ang driving lesson ninyo, maging ang actual driving ay gagawin sa loob ng school facility lamang. Bawal pa kayong lumabas para magmaneho sa mga public road.

NOTES: Ang STEP na ito ay need ninyong tapusin within 9 MONTHS from the time na nag-start kayong mag-attend sa lecture nila. This is base on their regulations.


STEP 3: Examination, and temporary driving license issuance
After na matapos ninyo ang lecture and actual driving lesson, its time to take the examination para ma-confirm kung natotonan nyo ba talaga ang itinutor sa inyo.

Sa examination na ito mapapatunayan na ready na kayong lumabas at magmaneho sa mga public road. Meaning pasado na kayo sa pagmamaneho inside the driving school at ready na kayong magmaneho sa mga public road. This is only a preparation. Kung pumasa kayo, bibigyan na kayo ng TEMPORARY DRIVING LICENSE upang makapag-maneho temporarily sa mga public road.

Ang test ay madali lamang at base lahat sa itinuro sa inyo kaya madaling maipasa ito kung walang magiging problem sa inyong Japanese language comprehension.


STEP 4: Second Part of driving study (lecture & actual driving)
Now that you have a TEMPORARY DRIVING LICENSE or 仮免許 (KARI MENKYO) na tinatawag nila sa Japanese, mag-uumpisa na ang second part ng study nyo sa driving. Dito nyo matutunan naman ang knowledge and skill in actual driving in public roads.

Meron din itong two parts, lecture and actual driving lesson. Sa lecture, meron 16 HOURS mahigit na dapat kayong tapusin, at sa actual driving lesson naman ay nasa 19 HOURS mahigit.


STEP 5: Graduation and Actual driving license test
Sa step na ito, gagawin ang actual road test sa inyo para sa inyong graduation sa driving course na inyong kinuha. Mostly ang road test ay sa paligid lamang din ng driving school kaya kung kabisado nyo na ang lugar, walang magiging dahilan para bumagsak kayo sa examination.

NOTES: Ang validity ng TEMPORARY DRIVING LICENSE ay 6 MONTHS lamang. Ang graduation examination ay dapat ninyong ipasa within 3 MONTHS lamang after na matapos nyo ang lahat ng lecture.


STEP 6: Graduation certificate issuance
Kung naipasa ninyo ang examination, bibigyan kayo ng graduation certificate ng school as a proof na matagumpay ninyong naipasa at natapos ang kanilang driving course.


STEP 7: Actual examination in Driving License Center
This is the step na kukuha na kayo ng actual driving license test sa mga Driving License Center after na ma-check nila kayo kung natapos nyo ba talaga ang nararapat na driving course.

Ang test ay written examination na meron 90 QUESTIONS at 5 QUESTIONS with illustrations. One question is one point at sa illustrations naman ay 2 points for every question. Para makapasa ka, out of 100 PERPECT POINTS, need na maka 90 POINTS above ka. Ito ang magiging main requirements para mabigyan ka nila ng actual DRIVING LICENSE.


STEP 8: Japanese Driving License Issuance
Kung naging matagumpay ang inyong examination at naipasa ninyo ito, at the day na naipasa ninyo ang examination ay ang actual day rin ng pagkaloob sa inyo ng Japanese Driving License.

Bilang fresh graduate, meron kayong 1 YEAR na ibibigay sa inyo at maituturing kayong freshman driver. Pwede kayong makapagmaneho now sa mga public roads here in Japan na kayo lamang at wala ng guide.

So, these are the STEPS na dadaanan ninyo hanggang sa makakuha kayo ng driving license here in Japan. Mostly hindi mahirap makakuha nito, subalit marami ang hindi nakakapasa at natatagalan makakuha ng driving license dito sa Japan dahil sa language barrier.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.