KOYOU HOKEN Benefit 5: Re-Employment Assistance Benefit (SYUUSYOKU SOKUSHIN KYUUFU) Aug. 29, 2017 (Tue), 907 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang paghahanap ng trabaho dito sa Japan ay mahirap minsan lalo na kung limited ang knowledge and skill ng isang nawalan ng trabaho. Minsan, kukunti lamang ang mga company or employer na pwede mong ma-aplayan. With the support ng HELLOWORK OFFICE, bibigyan ka nila ng mga information ng mga company na pwede mong puntahan for interview. Sa paghahanap ng trabahong muli, di maiiwasan ang mga gastusin tulad ng pamasahe, communication bill at stay in the hotel kung malayo ang pupuntahan.
Upang mapadali ang paghahanap ng work ng isang nawalan ng trabaho, meron assistance na binibigay ang KOYOU HOKEN at ito ay ang benefit na ito. Sa benefit na ito, pwedeng maglaan at sagutin ng HELLOWORK ang inyong magagastos sa paghahanap ng work tulad ng pamasahe, pag stay sa hotel kung malayo ang pupuntahan at ibang gastusin na maaaring mai-charge sa inyo.
Ito ay binibigay ng HELLOWORK lalo na kung sa kanila mismo nanggaling ang isang interview information na gusto nilang puntahan ninyo.
Kung sakali namang pumasa kayo sa interview at natanggap kayo sa isang panibagong work subalit kinakailangan ninyong lumipat ng tirahan, maaaring maglaan din ng support ang KOYOU HOKEN upang kayo ay matulungan financially dahil alam nilang wala pa kayong sapat na pera dahil kakaumpisa nyo pa lamang muli ng trabaho.
Para sa application ng ganitong benefit, makipag-consult sa HELLOWORK OFFICE at the time na naghahanap kayo ng trabaho at tumatanggap ng kanilang benefit.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|