Paano malalaman ang contribution history ng inyong nenkin dito sa Japan? Sep. 21, 2017 (Thu), 2,996 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung gusto ninyong malaman kung pumapasok ba sa nenkin system ang binabayad ninyong contribution o ang binabawas ng company sa sahod ninyo monthly, the best way ay mag-inquire kayo sa NENKIN OFFICE na meron jurisdiction sa lugar ninyo.
Pero pwede rin ninyong malaman ang inyong naging contribution sa nenkin by checking the information na pinapadala ng NENKIN OFFICE sa inyong address. Ito ay ang tinatawag na NENKIN TEIKIBIN na pinapadala nila sa lahat ng member nito once a year at ang period ng pagpapadala nila is sa birthday ng member nito. This will be the love letter na ipapadala sa inyo ng NENKIN SYSTEM. Ang NENKIN TEIKIBIN na ito ay meron tatlong klase na pinapadala nila depende sa age ng isang member.
FIRST ay ang pinapadala nila para sa mga member na below 50 years old. Ang nilalaman nito na dapat ninyong confirm ay ang PERIOD OF CONTRIBUTION kung ilang year and months na ba, then ang TOTAL AMOUNT ng inyong naibayad, at ang AMOUNT ng PENSION na maaari ninyong matanggap at that particular period.
SECOND type ng NENKIN TEIKIBIN na pinapadala naman nila ay para sa mga members na 50 YEARS OLD ABOVE. Ang nilalaman namn nito ay ang TOTAL AMOUNT CONTRIBUTION, at PENSION AMOUNT na matatanggap for 1 YEAR. Dito pinapakita nila kung magkano na ang matatanggap ng member kung sakaling gusto na nilang huminto sa pagbabayad at tumanggap na lang ng pension.
THIRD type naman ay para sa mga members na ang age ay 35 YEAR OLD, 45 YEARS old at 59 YEARS OLD. Ang pinadala nilang NENKIN TEIKIBIN here ay ang history of your total contribution para maipakita sa inyo at ma-confirm kung meron bang mga period na hindi kayo nakapag-bayad.
As a summary, tandaan na meron pinapadala once a year ang NENKIN OFFICE during your birthday about sa history ng contribution nyo sa nenkin at ang laman nito ay depende rin sa age ninyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|