malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang condition para maging Japanese citizenship ang bagong silang na bata?

Jan. 16, 2017 (Mon), 2,894 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Isa sa mga katanungan na madalas din naming natatanggap here in MALAGO ay kung magiging Japanese citizenship ba ang batang kanilang isinilang dito sa Japan. Reading their questions, mukhang marami rin sa ating kababayan here ang hindi alam kung paano or ano ang conditions para maka-acquire ng Japanese citizenship ang bata by birth. Ilan sa mga katanungan na natatanggap namin dito ay ang mga sumusunod:


1. Pareho kaming Pinoy, at dito nananganak ang aking misis, pwede bang makakuha ng Japanese citizenship ang anak ko?

Well, the answer here is not possible. Since parehong Pinoy ang parents, automatically, ang inyong anak ay Pinoy rin at hindi magiging Japanese kahit na dito sya sa Japan pinanganak.

2. May asawa akong Japanese, at nabuntis ako ng isang Pinoy, magiging Japanese ba ang anak ko kung aakuin ito ng asawa ko at ipapasok nya sa kanyang Koseki-Tohon?

Well, since yong biological parents ng bata ay parehong Pinoy, ang anak ay magiging Pinoy din dapat at walang rights para maging Japanese citizenship kahit na akuin ito ng asawang Hapon. Although may gumagawa nito, sooner or later pag nabisto kayo, isang malaking kaso ito and punishable by law.

3. Pinay ako pero Japanese ang apelyido ko at divorce na sa asawa kong Hapon, then nagkaaanak ako na ang tatay ay Pinoy, magiging Japanese ba ang anak ko?

Well, yong apelyido mong Japanese ay hindi basehan para maging Japanese ang iyong anak. Since pareho kayong Pinoy na parents ng bagong silang na bata, walang rights ang bata na makakuha ng Japanese citizenship at birth.

Ayon sa law ng Japan, makakakuha lang ng Japanese citizenship ang bata at birth kapag isa sa parents nito ay Japanese citizenship. So meaning, kapag ang tatay or nanay ng bata ay Japanese or pareho itong Japanese, merong rights ang bagong silang na bata na makakuha ng Japanese citizenship.

Now kung ang Pinoy na parents ay naging Japanese citizenship by naturalization method, ang anak nito ay merong rights na maging Japanese kapag pinanganak nya ito sa Japan or saan mang bansa dahil susundin nito ang kanyang present citizenship acquired.

So taandaan po natin na nakukuha ang Japanese citizenship by blood relation or present citizenship ng parents nito at hindi sa lugar kung saan ito pinanganak.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.