Working Agreement: Work nature and location Feb. 16, 2019 (Sat), 1,067 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa second item na dapat nyong check sa inyong Working Agreement (WA) na natanggap mula sa inyong employer bago nyo ito pirmahan ay ang magiging work location ninyo at ang work nature or contents ng magiging trabaho nyo sa kanila.
Ang part na ito ay napaka-important dahil dito maraming namemeke at nahuhuli ng immigration tulad ng mga naipo-post naming balita dito sa MALAGO.
Una, ang inyong magiging main work location ay dapat nakalagay sa WA ng malinaw. Mostly ang address ng inyong employer or company ang nailalagay dito. Subalit para sa mga outsourcing company kung saan ang kanilang mga worker ay nadi-dispatch sa ibat-ibang lugar, dapat na maging clear din ito sa contract.
Then sa magiging work nature naman, nakasaad dapat dito kung ano ang magiging main work definition ninyo. Ito ang part na madalas na ginagawang basehan ng immigration sa pagbibigay ng working visa din. Kung ano ang nakasaad sa part na ito, ang work lamang na ito ang dapat ninyong gawin at hindi pwede kayong mag-engage sa ibang work otherwise maaaring mahuli kayo.
Madalas na mahuli ng mga immigration here ang naglalagay halimbawa ay mga translator or interpreter, subalit ang nagiging actual work naman pala ay mga cook, waiter, construction work, caregiver at kung ano ano pa. Kapag ganito ang inyong ginawa, siguradong wala kayong ligtas at the time na mahuli kayo ng immigration dahil iba ang inyong ginagawa compare sa nakasaad sa kasulatan ninyo.
In case na meron kayong gustong gawing work maliban sa nakasaad sa inyong WA, maaari rin ninyong gawin ito subalit need ninyong kumuha ng permit sa immigration para maging legal ang anomang activity na gusto nyong gawin maliban sa nakasaad sa WA ninyo.
If ever na pinapagawa kayo ng work ng inyong employer or company na iba sa nakasaad sa inyong WA, make sure na pabago ninyo ang contract ninyo upang meron kayong panghawakang katibayan just in case na ma-check kayo ng immigration.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|