Consumer tax history of Japan, kelan ito nag-umpisa? Oct. 01, 2019 (Tue), 778 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tuloy-tuloy na ang pagtaas ng consumer tax to 10% simula October 1, at tayo bilang consumers naman, wala tayong magagawa kundi sundin ang batas na ito dito sa Japan.
Isang bagay lang ang nakikitang maganda sa pagtaas ng tax to 10%. Madaling ma-compute now kung magkano ang tax na babayaran nyo sa isang product or item na bibilhin nyo. Dahil sarado itong 10%, it means na sa 1 lapad (10,000 YEN), 1,000 YEN ang babayaran nyong tax. Then 100 YEN naman para sa 1,000 YEN at 10 YEN naman sa 100 YEN na presyo ng bibilhin nyo. So siguro di nyo na kakailanganin ang mga baryang 1 YEN at 5 YEN next time.
Bago mag-umpisa ang pagtaas ng tax na ito, nag search kami about sa history ng CONSUMER TAX dito Japan and we find some interesting information about it na gusto naming share dito sa MALAGO para maging aware din tayo lalo na ang mga kababayan natin na naninirahan dito sa Japan.
Kung titingnan ninyo ang date, eksaktong 30 years this year 2019 simula noong mag start by year 1989 na-isabatas ang consumer tax na 3% dito sa Japan. So parang sinadya nilang extend ang implementation ng 10% consumer tax this OCtober 2019.
Ang 3% na consumer tax daw ay nagsimula at the time na nag-start then ang HEISEI ERA dito sa Japan. And now is REIWA ERA, which is start na rin ng 10% consumer tax.
Ang sarap siguro mamuhay ng wala pang binabayarang consumer tax dito sa Japan bago dumating ang year 1989. Unang naisabatas ito noong December 1988, then by April 1989, nag-start na magkaroon ng consumer tax dito sa Japan.
Makikita nyo rin sa history ng consumer tax nila, na ang political party na syang nagpapanukala ng consumer tax law or increase nito ay natatalo sa susunod na election dito sa Japan kung kayat maraming pulitiko rin na iniiwasan na maging topic ito kapag papalapit na ang election.
Simula October 1, 10% na ang consumer tax. Pero marami ring lumalabas sa ngayon na hindi ito ang end para sa increase ng nasabing tax at malaki ang possibility na itaas itong muli sa mga darating na taon. So mga kababayan natin na naninirahan dito sa Japan, maging handa at aware na lang tayo tungkol dito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|