malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Recognition of an unborn child (TAIJI NINCHI)

Apr. 17, 2018 (Tue), 2,335 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



This is the third topic in this series of guide in pregrnancy and giving birth here in Japan. Ito ay ang pag-submit ninyo ng recognition application sa baby na dinadala ninyo para mapatunayan kung sino talaga ang ama nito bago pa man isilang ang bata.


To better understand this, dapat muna ninyong malaman kung ano ang tinatawag na 認知 (NINCHI) or RECOGNITION nila dito sa Japan. Ang tinatawag na NINCHI nila ay pagpapatunay ng isang parent na HINDI KASAL na ang bata ay kanyang sariling anak.

Sa pagsilang ng nanay sa baby, its natural lang na sabihin na ang bata ay kanyang anak dahil sya ang nagsilang nito, subalit para sa isang lalaki o tatay, mapapatunayan lamang nya ito hindi lamang sa salita kundi sa pag RECOGNIZED sa bata. Sa pagpasa nya ng document na ito, dito pa lamang mapapatunayan ng legal ang relationship ng bata at ama.

Pag sinabi namang TAIJI-NINCHI, ito naman ang pag recognized ng isang father na sya ang tunay na ama ng bata na dinadala ng nanay o batang nasa sinapupunan pa at hindi pa pinapanganak.

Ang purpose ng system na ito ay ang maagang pag-recognize ng ama na sya ang tunay na ama ng batang isisilang upang maging malinaw ang kanilang relationship in case na meron mangyari sa ama ng bata. In case na mamatay ang father dahil sa sakit o accident, magiging clear ang kanilang relationship beforehand.

Ang pag-apply ng TAIJI-NINCHI ay ginagawa after ng pag-apply ng BOSHI TECHOU o mga nasa 8th weeks na ng pregnancy kadalasan. Sa mga foreigner na tulad natin, in case na ang parents ng baby ay parehong Pinoy, maaaring mag consult kayo sa city hall kung possible kayong mag-apply ng TAIJI-NINCHI ng baby ninyo. Maaaring magawa ninyo ito upang magkaroon ng rights ang isisilang ninyong anak sa inyong mga social insurances na binabayaran here in Japan tulad ng nenkin in case na merong mangyari sa inyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.