malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Working Agreement: Maternity Leave & Childcare Leave

Apr. 06, 2019 (Sat), 1,713 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Another item na dapat nyong tingnan sa inyong Working Agreement (WA) bago nyo ito pirmahan ay ang 産休 (SANKYUU) or Maternity Leave at 育児休暇 (IKUJI KYUUKA) or Childcare Leave.


This is a must item to check lalo na sa mga kababaehan na gustong magtrabaho dahil malaking epekto ito sa inyong trabaho just in case na mabuntis kayo at kailangan nyong magpahinga sa inyong panganganak.

Bago kayo pumirma sa inyong WA, tiyakin na malinaw ito sa inyo para hindi kayo magkaroon ng problem at the time na kayo ay mabuntis. Marami kasi dito ang nagri-reklamo at the time na buntis na sila dahil hindi nila ito nalinaw bago pa man sila nag-umpisang mag work.

Tandaan na meron mga company na nagbibigay nito at marami rin po ang wala lalo na sa mga hindi regular employee. Kung nagbibigay man, meron silang mga condition dito, tulad ng pwede lamang mag-avail kapag nakapag-trabaho na sila sa company ng more than 6 months or 1 year. Ang mga condition na ito ay dapat ring malinaw sa inyo.

Isa pa sa dapat ninyong linawin ay kung magkano ang magiging salary ninyo in case na under Maternity Leave kayo at ganun na rin during Childcare Leave. Mostly ang mga company ay nagbibigay ng 60% to 70% ng normal salary ninyo during Maternity Leave.

Sa mga kalalakihan naman, pwede nyong tanungin ang company kung meron silang Childcare Leave na binibigay at the time na manganak ang inyong misis at kung gaano ito katagal at kung magkano ang magiging salary na matatanggap during your leave.

Tiyakin na ang mga ito ay napapaloob sa inyong WA upang meron kayong laban just in case na hindi sumunod sa usapan ang inyong employer at the time na dapat nyo na itong ma-avail.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.