malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang gagawin pag-naloko ka dito sa Japan (Part 2: Reporting to Immigration)

Feb. 04, 2017 (Sat), 3,969 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.




Kung matagumpay ninyong nai-report sa mga pulis ang mga panlolokong ginawa sa inyo ng taong meron atraso sa inyo, the next step that you can do ay report sila sa Immigration. Ito ang magiging STEP 2 na gagawin ninyo upang mahabol ang taong merong atraso sa inyo.

Sa pag report ninyo sa Japan Immigration, ang magiging main purpose nyo dito ay upang ma-hold ang kanilang visa or mag file ng charge na hindi na sila makapag-extend ng kanilang visa na hawak, at higit sa lahat ay magkaroon sila ng bad record sa Immigration na makaka-apekto sa kanilang visa application in the future.

Sa pag report ninyo, kailangan ang copy ng HIGAI TODOKE na inyong ginawa, and as possible, kumuha kayo ng ACCEPTANCE CERTIFICATE mula sa police station kung saan kayo nagpasa ng HIGAI TODOKE. Ito ang magiging proof na meron na kayong na-file sa mga police here in Japan na magiging patunay sa claim na inyong iri-report sa Immigration office. Para sa sample ng ACCEPTANCE CERTIFICATE, you can use the sample format sa baba ng article na ito bilang inyong reference. Ilagay ninyo sa application na ito kung saan nyo ipapasa ang document at kung ano ang purpose ninyo.

Once na tinanggap ito ng Immigration, magiging malaking epekto nito sa pag-evaluate ng visa application ng taong iri-report ninyo. Ang reason dito ay dahil sa ginagawang basehan ng immigration sa pagbibigay ng approval sa mga visa application. Sa evaluation na ginagawa nila, lagi nilang tinitingnan kung ang isang applicant ay meron GOOD MORAL, sumusunod sa batas at walang violation na ginagawa dito sa Japan. Then tinitingnan nito ang financial stability ng isang applicant.

Since ang karamihan na mga manloloko here in Japan na mga Pinoy ay laging meron kasabwat na pera, magiging mahirap sa kanila na makakuha ng visa kapag meron ng record ang mga ito sa Immigration na mga violation tulad ng SAGI or scam na inyong maaaring i-report dahil makikita ng Immigration agad na wala silang financial capability dahil sa scam na ginawa nila, at hindi maganda ang kanilang pag-uugali dahil sa violation or illegal act na ginawa nila.

Acceptance Certificate Sample Format (Japanese Version)
Acceptance Certificate Sample Format (English Version)



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.