malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Unpaid syakai hoken, anong dapat gawin?

Jan. 06, 2019 (Sun), 9,327 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung meron kayong mga di nababayarang mga nenkin at kenkou hoken contribution dito sa Japan, ito ay hindi basta na lamang mawawala at patuloy na lalaki kung hindi ninyo ito papansinin.


Para sa ating mga foreigner na naninirahan dito sa Japan, ang contribution natin sa syakai hoken ay nag-sisimula at the time na maipasok natin ang ating pangalan sa city hall. Ito ay ang pag-register natin upang magkaroon tayo ng Juuminhyou (Residence Certificate).

Meron kang work o wala, ang contribution natin sa syakai hoken ay mag-uumpisa kapag tayo ay hindi na minor age, dahil mandatory na bayaran ito ng bawat mamamayan dito sa Japan.

Now, kung kayo ay working sa isang company, chances ay sila po ang mag-aasikaso nyan at ang bayarin ninyo sa syakai hoken ay walang magiging problem dahil ibabawas din nila ito sa inyong salary.

Kung kayo naman ay hindi working, chances is meron ipapadala sa inyo ang city hall para sa nenkin at kenkou hoken membership at ang magiging monthly contribution payment nyo dito.

Kung ang mga pinapadala nila sa inyong bill about your nenkin at kenkou hoken ay hindi ninyo binabayaran, lalaki lamang ito ng lalaki dahil parang banko ito na meron additional rate o tubo silang sinasama dito computed sa period or term ng hindi ninyo pagbayad. Naidadagdag ang tubo na ito kaya lumalaki rin ang magiging bill nyo ng kunti.

In case na malaki na talaga at hindi ninyo ito pinapansin, malaki ang chance na gagawa sila ng paraan upang makuha ang kabayaran ninyo. Meron mga city hall dito na kinukuha na lamang nila sa salary ninyo, kaya baka magulat na lamang kayo na wala kayong matanggap sa sweldo ninyo, at meron naman local municipality na kinukuha nila ito sa bank account ninyo.

Madalas nilang ginagawa ito sa mga taong hindi nagbabayad na alam naman nilang meron pera at meron income. We already received lots of consultation with this kind of incident here in MALAGO na nangyari sa mga kababayan natin. Pero bago nila ito gawin, common na nagpapadala sila ng notice, pero pag di nyo pa rin ito pinansin, gagawin na nila ang dapat nilang gawin.

So kung meron kayong mga unpaid contribution sa inyong nenkin at kenkou hoken, ang tanging solution lamang is kausapin nyo sila at mag-consult sa paraan na kaya nyong bayaran. Kung alam nila ang financial capability ninyo, kahit na maliit na amount monthly, maaaring pumayag sila. Ang mahalaga ay ang pagharap ninyo sa responsibility na bayaran ito tulad ng maraming mamamayan dito sa Japan.

Be aware na sa mga susunod na taon, maaaring maging requirements na ng immigration ang inyong payment status sa syakai hoken tulad ng mga nababalita sa ngayon at malaki ang possibility na makaka apekto ito sa inyong visa status dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.