New passport application for applicants (above 18 years old) in Japan Jan. 22, 2015 (Thu), 1,107 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga gustong kumuha ng bagong passport, ito ang dapat ninyong gawin.
Maari po kayong makapag-apply ng Passport sa Philippine Consulate Office in Tokyo or Osaka dito sa Japan. Ito ang mga dapat ninyong ihandang documents para sa inyong application. Siguradohin na maihanda nyo ang lahat ng ito bago kayo pumunta ng Consulate Office upang hindi kayo maabala pa.
Ang mga kinakailangang documents ay ang mga sumusunod:
1 Personal appearance ng applicant sa Philippine Consulate Office
Kinakailangan ang personal appearance ng taong mag-apply ng passport sa Consulate Office.
2 Passport Application Form
Ang application form ay available sa homepage ng Philippine Consulate Office at pwede nyong download para masulatan at malagyan nyo ng kailangang information bago kayo pumunta doon. Available din ito mismo sa office nila.
3 Original Copy of Report of Birth or NSO Birth Certificate
Kinakailangan ang Authenticated birth certificate or kung wala kayo nito, pwede rin ang Report of Birth original copy na hawak ninyo.
4 Photocopy of Report of Birth or NSO Birth Certificate
Kinakailangan din ang xerox copy ng inyong Report of Birth of NSO authenticated birth certificate.
5 Letter Pack 500 YEN Envelope
Ito ay inyong mabibili sa mga Post Office dito sa Japan. Bumili na kayo nito bago kayo pumunta ng Consulate Office upang hindi kayo maabala. Kulay pula ito na ang halaga now ay 510 YEN. Ito ang gagamitin ng Philippine Consulate office upang ipadala sa inyo ang bagong passport.
6 Passport Application Processing Fee
Ang processing fee ay pwede nyong bayaran in DOLLAR currency or sa equivalent nitong YEN base sa computation nila gamit ang exchange rate at the day you apply passport.
Mahalagang Paalala:
1 Ang lahat ng mga documents na galing sa NSO ay dapat printed in Security Papers.
2 Ang lahat ng mga photocopy or xerox copy ng mga documents ay kailangang nasa A4 size which is the standard papers size dito sa Japan.
3 Ang consular officers ay meron karapatang humingi ng anomang karagdagang documents or proof upang matiyak nila ang tunay na identity at present situation ng isang applicant.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|