malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Bagong visa implementation, panukala ng present Japan administration

Jun. 07, 2018 (Thu), 11,911 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito, pinanukala ng present Japan administration ang pagkakaroon ng bagong type na visa para mapadaling makapasok dito sa Japan ang maraming labor force na kinakailangan nila sa madaling panahon.


Ito ay nilinaw sa ginawang pagpupulong ng mga lider ng present Japan government administration noong June 5 sa pangunguna ni Prime Minister Abe. Sa ngayon, ang WORKING VISA na kanilang binibigay ay para sa mga specialist at mga degree holder lamang. Sa bagong visa na kanilang panukalang isa-batas, ang mga workers sa field na 介護 (Care Workers), 農業 (Farm Workers), 建設 (Construction Workers), 造船 (Ship Builders) at 宿泊 (Hotel Workers) ang magiging priority nila.

Ang visa na ito ay maaaring tawagin nilang 特定技能 (TOKUTEI GINOU) kung saan ang isang TRAINEE ay maaaring ma-extend ng another 5 YEARS at magiging 10 YEARS ang total working period nila. Kung mapapatunayan na meron itong sapat na skill, maaaring magtuloy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho dito at mabigyan ng formal WORKING VISA, at maaari na nilang papuntahin ang kanilang family at makasamang mamuhay dito sa Japan. Ang pagkakaron ng sapat na skill at knowledge sa Japanese language ang magiging susi dito ayon sa news.

Ayon sa mga specialist, isang magandang hakbang ito ng present Japanese administration upang ma-solve ang kanilang lumalaking problem sa manpower sa ngayon at pagtanggap nila ng mga migrant workers dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.