Nahaharang sa airport sa Pinas with short term visa, dumarami Jan. 29, 2019 (Tue), 17,473 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga gustong mag-invite ng kanilang family members, relatives, and friends dito sa Japan at kayo ang tumatayong guarantor sa kanila, be aware on this dahil recently marami ang nahaharang sa airport sa Pinas at hindi nakakapag-travel papunta dito ng Japan.
Tumataas ang bilang nito dahil sa pagtaas ng mga tourist and family visit ng mga Pinoy dito sa Japan recently.
Maaaring masayang ang inyong effort at pera sa pag-process ng kanilang visa at pambili ng airline ticket kung mahaharang sila at the day of their flight. Ayon sa mga nagtatanong sa amin dito asking for a needed documents, hinahanapan sila ng katunayan na sila ay invited talaga ng kanilang guarantor dito sa Japan.
Mostly ang mga nahaharang at hinahanapan ng ganitong documents na tinatawag na AFFIDAVIT OF SUPPORT AND GUARANTEE ay mga first timer na magta-travel abroad. So pag napansin ng airport immigration personnel at medyo doubt sila sa tao siguro, hinahanapan sila nito at kapag walang naipakitang document, hindi sila pinapalusot sa immigration.
Upang makasigurado kayong makaka alis ang taong inimbitahan nyo dito lalo na yong mga first timer, advisable na kumuha na kayo ng AFFIDAVIT OF SUPPORT AND GUARANTEE sa Philippine Embassy Office dito sa Japan. Then send nyo rin sa kanila sa Pinas para syang maipakita nila sa airport immigration sa Pinas in case na hanapan sila nito.
Ang document na ito ay hindi kailangan sa visa application sa Japanese Embassy sa Pinas, pero maaaring kailanganin lang sa airport immigration na inyong pakita, patunay na talagang meron kayong guarantor dito sa Japan na syang sasagot sa inyo.
Need din ng document na ito bilang patunay na ang guarantor ang sasagot sa anomang mangyari sa taong kanilang inimbitahan sa Japan lalo na in terms of expenses in case na meron mangyaring accident, emergency medical incident at iba pa.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|