malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Scam sa palitan ng yen to peso, kumakalat dito sa Japan

Jul. 15, 2018 (Sun), 3,479 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Maybe you already heard this issue tungkol sa bagong scam na kumakalat sa ngayon kung saan marami na ring mga kababayan natin ang nabiktima. Last time, naglabas na rin ng news ang Philippine Embassy Tokyo tungkol sa issue na ito kung saan pinag-iingat nila ang mga kababayan natin here sa Japan.


Nakatanggap na rin kami ng ilang inquiry tungkol sa issue na ito here in Malago, at ngayon lang kami nagkaroon ng time para gumawa ng topic tungkol dito. So medyo late na ng kunti pero gusto lang din namin share ito dito bilang warning sa mga followers namin upang hindi na sila maging biktima.

Maraming mga nag-aalok ng palitan ng YEN to PESO sa SNS, at ang panghatak nila sa kanilang mabibiktima ay ang pagbigay nila ng mas mataas na exchange rate. Sa kagustuhan ng ilan nating kababayan na makapagpadala ng mas malaking halaga sa kanilang family, nasisilaw sila dito. Pero in the end, nawala lahat ang kanilang perang pinadala at itinakbo na ng taong kanilang pinagkatiwalaan kahit na nakilala lamang nila sa maikling panahon.

Ang mga nag-aalok na ito sa mga SNS ay mostly mga illegal at walang permit na hawak. So as possible, kung di nyo naman talaga kilala ang tao, never kayong magtiwalang magpadala ng pera sa kanila o gumamit ng service nila.

Para maisawan ang mga ganitong panloloko, gumamit ng legal remittance service. Maraming remittance company here in Japan na pwede ninyong magamit depende sa inyong needs at convenient. Hwag magpapasilaw sa mumunting halagang makukuha ninyo dahil sa bigay nilang mas mataas na rate, kapalit naman ang pag-aalalang maaaring hindi dumating ang inyong perang pinadala.

Tulad na rin ng paulit-ulit na sinasabi namin dito, hwag na hwag magpapadala ng pera sa mga bank account na gamit ng isang personal na tao lamang. Malaki ang possibility na ang inyong pera ay mawawala pag ganito ang ginawa ninyo. Gawin nyo lamang ang pagpapadala ng pera sa mga bank account ng company na nagbibigay ng remittance service upang makasigurado kayong hindi kayo maloloko.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.