Applying for Maternity Passbook (BOSHI TECHOU) Apr. 16, 2018 (Mon), 2,072 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Here is the second topic of series of info we are posting here about guide in pregnancy and giving birth here in Japan. This time, we will discuss ang tungkol naman sa pagkuha ng MATERNITY PASSBOOK or BOSHI TECHOU na tinatawag sa Japanese.
Kung nalaman nyo na kayo ay buntis na here in Japan, after doing the preparation needed, the next thing that you should do is apply or get this document. Ito ang mga sumusunod na information na dapat ninyong malaman about this.
ANO ANG TINATAWAG NA MATERNITY PASSBOOK?
The formal name about this in Japanese ay 母子健康手帳 (BOSHI KENKOU TECHOU) or most commonly known as BOSHI TECHOU here in Japan. It ay ibinibigay sa mga kababaihan na nagdadalang tao base sa batas na nakasaad. Dito naitatala ang health condition and history ng mother at baby, so kahit tapos na maisalang ang bata, importante ang document na ito hanggang sa maging six years old na ang baby.
Nakalagay dito ang mga naibigay na vaccine sa baby, dental checkup, at history ng sakit ng bata kung kayat mahalagang itago ito kahit maging elementary student na ang bata. Ang pagbibigay nila ng BOSHI TECHOU here in Japan ay matagal na nilang isinasagawa kahit pa noong time ng war kung saan priority daw nilang binibigyan ng gatas ang mga nanay na meron hawak na BOSHI TECHOU.
Ang design ng mga passbook na ito ay iba-iba depende sa mga local municipality kung saan kayo nakatira dito sa Japan.
BAKIT KAILANGANG KUMUHA KAYO NG BOSHI TECHOU?
As possible, be sure to get this dahil meron kayong maaaring makuhang mga benefits sa inyong mga local municipality. Sa pagkuha nito, bibigyan din nila kayo ng 妊婦健康診査受診票 (NINFU KENKOU SHINSA JUSHINHYOU) kung saan maaring mabigyan kayo ng 公費補助 (KOUHI HOJO) or expense support sa inyong pagpapa-checkup during your pregnancy test.
Sa inyong pagbubuntis, meron silang rule here in Japan na at least meron kayong 14 times na record na kayo ay nagpatingin sa doctor. It will be a big expenses also para sa side ninyo kung babayaran nyo ito ng buo. Also, meron mga discount din kayong maaaring matanggap kung kayo ay bibili ng mga baby goods sa mga store kung meron kayong maipapakitang BOSHI TECHOU.
Also, ang record ninyo at ang condition ng bata ay ilalagay nila sa boshi techou na ito, so kung kayo ay lilipat ng lugar sa inyong panganganak, magiging very important ang document na ito sa hospital or doctor na titingin sa inyo.
Lastly, ang document na ito or BOSHI TECHOU ay kakailanganin nyo rin sa susunod na document na dapat ninyong apply at ito ay ang TAIJI NINCHOU application ng inyong baby.
KELAN KAYO DAPAT MAG-APPLY NG BOSHI TECHOU?
Kapag alam nyo nang buntis kayo, dapat kayong kumuha ng boshi techou pero hindi nangangahulugan na agad agad kayong kukuha nito. Kadalasang sinasabi ng mga doctor na dapat lang kayo kumuha nito during 6th week to 10th week ng inyong pagbubuntis after nilang ma confirm ang heart beat ng baby.
Ang reason here ay dahil daw sa meron possibility na makunan ang isang nanay. So kapag sure lang talaga na buo na ang baby at ang pagbubuntis ng nanay, that will be the time na dapat na kayong mag-apply nito.
SAAN DAPAT MAG-APPLY NG BOSHI TECHOU?
Ang boshi techou ay hindi nakukuha sa mga hospital or clinic. Ito ay pwede nyo lang makuha or apply sa inyong local city hall office.
ANO ANG MGA REQUIREMENTS SA PAG-APPLY NG BOSHI TECHOU?
Ang mga needs na documents sa pag-apply nito ay mostly ang mga sumusunod na documents: NINSHIN TODOKESYO, MYNUMBER, HANKO OR SEAL at any identification card like Residence Card. You can contact your local municipality para sa detalye nito.
PWEDE BANG MAKAKUHA NG BOSHI TECHOU KAHIT HINDI KASAL?
Yes, it is possible na makakuha kayo ng document na ito kahit na kayo ay hindi kasal at nabuntis. They will accept your application sa city hall.
PWEDE BANG KUMUHA ULIT NG BOSHI TECHOU PAG NAWALA ITO?
Yes, you can re-apply for it again kung sakali mang nawala ang inyong BOSHI TECHOU. Mostly ang medical record ninyo ay naka-save yan sa mga hospital for at least 5 years, so kung nawala nyo ito, maaaring magawan ulit nila kayo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|