malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Paano nag-simula ang Kaigo Hoken dito sa Japan?

Dec. 18, 2017 (Mon), 883 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Bago pa maging isang law ang Kaigo Hoken (Nursing Insurance) dito sa Japan, ang social welfare services ng Japan ay nakatuon lamang sa mga matatandang walang family na mag-aalaga at sa mga low income family. At ang services na binibigay sa mga ito ay kontrolado ng mga local govenrment or city hall at ng Japan government.


Walang nagiging freedom at choices ang mga mamamayan na nangangailangan nito. Since ang nabibigyan ng priority ng government ay mga low income family, para sa mga middle class above, ang pangangalaga sa kanilang mga older family ay parang naging total obligation nila.

Dahil sa pagbaba ng population ng Japan, pagbabago ng family member status ng maraming family here in Japan, pagiging career oriented ng mga kababaihan, naging isang malaking social problem ang pangangalaga sa mga matatanda dito sa Japan at dumating sa point na hindi na kayang gawin ang obligation na ito ng isang family lamang.

Dahil dito napag-pasyahan ng mga mambabatas na ang social problem sa pangangalaga sa mga matatanda ay gawing obligation ng buong sambayanan at hindi lamang iisang family kung kayat nabuo at naisabatas ang tinatawag na KAIGO HOKEN (Social Insurance) System noong YEAR 2000.

Sa pagkakaroon ng batas na ito, naging magaan para sa mga family na meron inaalagaang matanda ang pangangalaga sa kanila dahil meron na silang choices kung anong services ang gusto nila at nararapat lamang sa kanila at naging magaan din ang mga bayarin dito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.