malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


End of the line na nga ba para sa mga Pinoy refugee applicants?

Jan. 09, 2019 (Wed), 4,493 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



For this past months, marami kaming natatanggap na mga inquries dito sa MALAGO about sa mga refugee applicants na pinapadalhan ng notice ng immigration at sinasabi ditong pinapauwi na sila.


It seems na malapit ng matapos ang validity period ng DESIGNATED VISA na binigay ng immigration para sa mga refugee applicants na kababayan natin matapos nilang baguhin ang policy nito starting last year JANUARY 15, 2018, at mahigit isang taon na ang nakakalipas sa ngayon.

Last last year 2017, number one sa dami ng refugee applicants ang Philippines. For year 2018, hindi pa nila nilalabas ang data tungkol dito, subalit inaasahang bababa ito dahil sa ginawa nilang pagbabago sa refugee application policy.

So, sa mga kababayan nating refugee applicants na pinauuwi na ng immigration, ano ang dapat nilang gawin, at ano ang naghihintay sa kanila sa ngayon lalo na sa mga ayaw pang umuwi talaga at nais manatili dito sa Japan.

Karamihan sa mga nababasa namin na mga information mula sa mga site ng mga immigration lawyer dito sa Japan ay ang pag-apply ng ibang type ng visa mula sa pagiging refugee applicant. Tulad ng JAPANESE SPOUSE VISA kung sila ay nakakita ng mapapakasalan na partner, STUDENT VISA kung gusto nilang mag-aral dito sa Japan, or WORKING VISA kung eligible silang makapag work ng legal dito sa Japan.

Ang tanging problem lamang dito ay magiging mahigpit at very strict ang immigration sa pag-evaluate ng kanilang visa application at aabutin ito ng mahabang panahon ayon sa mga immigration lawyer kung kayat maaaring hindi na abutin ng kanilang DESIGNATED VISA validity period.

Kung sakaling wala na talagang ibang paraan at hindi na pwedeng mag-extend ng kanilang DESIGNATED VISA, pinapayuhan nila na sundin ang padalang notice ng immigration at hwag mag-overstay dahil magiging malaking bad record ito hindi lamang sa kanila kundi na rin sa taong naging guarantor nila sa pagpunta dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.