Driving in Japan using your Philippine Driver License May. 30, 2018 (Wed), 3,175 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
One way to drive here in Japan kung meron ka ng driving license na nakuha sa Pinas, ay ipa-convert ito sa Japanese Driver License (JDL). Ito ang tinatawag nilang MENKYOU KIRIKAE (Driver License Convertion). Sa pamamagitan nito, legal kayong makakapag-maneho dito sa Japan. Kung kayo ay titira dito sa Japan ng more than 1 YEAR, ang pag-convert ng inyong driving license ay pinaka-best na dapat ninyong gawin.
Kung ang visa nyong hawak dito sa Japan ay LONG TERM VISA or staying here in Japan ng more than 3 MONTHS, at naka-register na kayo sa city hall kung saan kayo nakatira, you can apply for convertion ng inyong driver license na nakuha sa Pinas sa pinakamalapit na Driving License Center sa lugar ninyo here in Japan.
Subalit ang convertion na ito ay hindi magiging madali dahil kailangan ninyong maipasa ang written examination and actual driving test. Meron mga Driver License Center dito sa Japan na nag-bibigay din ng examination in English language.
Sa pag-convert ng inyong driver license ang mga sumusunod na mahahalagang bagay ay dapat ninyong tandaan.
1. Kailangan na maipakita ninyo na nakapag stay kayo sa Pinas ng more than 3 MONTHS upon getting your license there.
2. Kailangang naka-register na kayo sa city hall at meron ng makukuhang JUUMINHYOU (Residence Certificate).
3. Kailangang maipasa ninyo ang examination na ibibigay ng Driving License Center.
4. Ang pwede lang ninyong ma-drive na kuruma ay depende sa naka-define sa license ninyo na nakuha sa Pinas.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|