Visa papasok ng Japan, sa Japanese Embassy (thru Accredited Agency) ang apply at hindi sa Japan Immigration Jan. 20, 2017 (Fri), 1,368 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Isa pa sa mga malimit na matanggap naming tanong dito sa MALAGO ay kung saan ba dapat mag-apply ng visa papasok ng Japan. Well, tulad ng alam na rin ng karamihan, its a common sense lang din naman, you need to apply it sa Japanese Embassy Office at hindi dito directly sa Japan.
Mukhang alam na rin naman ng mga nagtatanong subalit kapag ang kanilang visa application ay deny ang result, marami ang nagtatanong sa kanila at nagpupumilit kung pwede bang sa Japan Immigration Office directly ang apply ng visa. Well, I think this one is not possible.
Kung ang result ng visa application ninyo ay deny, a million times man yan, kung ikaw ay isang common applicant lamang, ang visa application ay maaari ninyong muling gawin lamang sa bansang panggagalingan ninyo. So kung nasa Pinas kayo now, sa Japanese Embassy sa Pinas lang kayo pwede mag-apply at hindi pwede sa Japan Immigration Office. Masasayang lang ang pagod at oras ninyo kung ipipilit ninyo ang sarili ninyo na mag-apply ng visa directly sa Japan.
Basically, ang visa application ng isang applicant is evaluated by the personnel in Japanese Embassy. Kung need pa ng further evaluation and investigation sa application ninyo, saka sila makikipag-contact sa Japan Immigration. So your application will go here also in Japan. Ito ang malimit nilang ginagawa kapag ang result ng isang application ay tumatagal.
Pero kung hindi na, then they will be the one na syang magbibigay agad ng result sa application ninyo deny man o hindi. So laging tandaan, for visa application papasok ng Japan, you need to apply this sa Japanese Embassy Office kung saan kayo bansa naroon sa ngayon at hindi dito directly sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|