Penalty sa pagiging overstayer here in Japan Jan. 30, 2017 (Mon), 2,172 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang pagiging OVERSTAYER ang pinakamadalas gawing violation ng mga foreigner na pumapasok dito sa Japan. Hindi lamang mga taga ibang bansa, pati tayong mga Pinoy ay meron ding malaking bilang ng mga overstayer na narito sa Japan sa ngayon.
Ano ba ang pinapataw na penalty ng Japanese Immigration para sa mga overstayer? Kung kayo ay meron planong maging overstayer dito, kailangang alamin nyo po ito upang maging handa kung sakaling mahuli kayo ng mga kinauukulan. Dati-rati, ang mga Immigration Personnel lang ang meron duty na manghuli ng mga overstayer, subalit ito ay naging duty na rin ng mga pulis kung kayat madali at marami ring nahuhuling overstayer sa ngayon.
Sa ngayon ang common na naririnig lang natin na penalty ay DEPORTATION at 5 YEARS na hindi pwedeng makabalik ng Japan, and this is true para sa mga nahuhuli. Sa mga sumusuko voluntarily, 1 YEAR lang ang kanilang binibigay na penalty ng Immigration na hindi pwedeng bumalik dito sa Japan.
Subalit ayon din sa Japanese Immigration Law ang pagiging overstayer ay meron nakapataw na criminal punishment, at ito ay not more than 3 YEARS na imprisonment o 300 lapad na multa, o parehong ipapataw ang pagkakulong at multang pera.
オーバーステイをすると、さらに刑事処分が下りることがあります。どのぐらい重いかというと、「3年以下の懲役若しくは禁錮若しくは300万円以下の罰金に処し、またはその懲役若しくは禁錮及び罰金を併科」となります。
To summarize it, ang penalty na maaaring maipataw sa isang overstayer ay deportation, 5 YEARS na hindi pwedeng pumasok sa Japan, not more than 3 years na pagkakulong, at 300 lapad na multa. Hindi ito nangangahulugan na ipapataw nila ito lahat sa isang overstayer dahil ang punishment din ay nakabase sa bigat na kasong ginawa ng isang overstayer.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|