malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ilang percent ang nakakaltas sa sahod para sa social insurance & taxes?

Jun. 26, 2017 (Mon), 6,295 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Bilang continuation sa discussion ng social insurance dito sa MALAGO, now lets discuss naman kung magkano approximately ang nababawas sa sahod natin dito sa Japan at napupunta bilang payment or contribution natin sa social insurance at mga taxes.


Ang contribution natin sa social insurance at payment sa mga taxes ay binabase nila sa total amount ng salary natin at mga na-declare nating mga dependents. So in general, kung kayo ay SINGLE po and working here in Japan, mas malaki ang inyong tax payment at contribution sa social insurance, kaya malaki ang mababawas sa inyong salary.

Sinasabi ng karamihan dito sa Japan na mahigit 15% to 25% ng total salary ng isang worker ay nababawas at ito ay napupunta sa social insurance contribution at payment for taxes (residence tax & income tax). So kung ang kinakaltas sa maliit na sahod nyo now (below 60 lapad) ay lumalagpas ng 25%, then maaaring niloloko na kayo ng inyong employer.

Para makuha ninyo kung magkano ang APPROXIMATE amount na matitira sa inyong salary bilang inyong NET INCOME, subukan ninyong multiply sa 80% (0.8) ang inyong salary now. Ang lalabas na amount ang syang magiging NET INCOME ninyo na syang dapat bayaran sa inyo or ma-deposit sa inyong bank account. Yong remaining na 20% naman ay mapupunta sa social insurance at tax payment ninyo. Gawing guide ang formula below at data sa pag-compute ninyo ng inyong NET INCOME.

NET INCOME = PAYABLE AMOUNT - SOCIAL INSURANCE - TAXES (RESIDENCE TAX + INCOME TAX)

Sa payabale amount ay kasama dito ang inyong basic salary, overtime charge at kung ano-ano pang allowance or benefit na binibigay sa inyo ng company monthly. Sa total amount dito, ibabawas ang contribution ninyo sa social insurance at pati na rin ang mga taxes. Ang matitirang amount ang syang pinaka sweldo ninyo sa isang buwan or NET INCOME ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.