NENKIN BENEFIT 1: Retirement Pension Oct. 05, 2017 (Thu), 2,252 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
After some discussion tungkol sa mga basic information about NENKIN (PENSION), its time to discuss naman here ang mga benefit na makakuha ninyo sa NENKIN here in Japan kung kayo ay valid member nito at meron monthly contribution na binabayaran.
Tulad ng mga nasabi na namin here before, marami ding nakukuhang benefit sa NENKIN at hindi lamang ang pinaka-pension na makukuha ninyo during retirement. Kung naaksidente o namatay ang isang member nito bago pa dumating ang kanyang retirement, meron din syang makukuhang benefit mula sa nenkin.
First, lets discuss here ang pinaka-common benefit na makukuha ninyo sa NENKIN na binabayaran ninyo at ito ay ang tinatawag na 老齢年金 (ROUREI NENKIN) sa Japanese language or RETIREMENT PENSION naman sa English. Kung ang isang member ay umabot sa kanyang retirement sa work, this is the time na pwede na syang tumanggap ng pension.
As of now, ang RETIREMENT PENSION dito sa Japan ay pwede lamang ma-avail ng isang member nito kung sya ay 65 YEARS OLD na or pinanganak after APRIL 2, 1961. Sa ngayon, may mga balita na baka ito ay itaas at baguhin to 70 YEARS OLD or above pa, so baka sa pagtanda ng ibang Pinoy ay ito na ang condition. Pag 65 YEARS OLD ka na, at meron 10 YEARS OR MORE na contribution, you are eligible to claim your NENKIN or pension here in Japan. Dati, ito ay 25 YEARS na contribution subalit ito ay nabago na into 10 YEARS na lamang. So kung kayo ay 65 years old na at meron more than 10 years of contribution, then you are eligible now to received your retirement nenkin.
Sa mga nagtatanong na gusto na nilang tumanggap ng nenkin dahil sa naka 10 years of contribution na sila, I think its not possible po kung ang age nyo naman ay hindi pa umaabot sa 65 years old. You have to wait na umabot kayo sa age na 65 bago kayo pwedeng tumanggap ng nenkin.
Sa amount naman na matatanggap, ito ay depende sa inyong naging contribution. So sa mga maliit lang ang binayad dahil sa laging nagri-reklamo sa kanilang binabayaran now, this is the time na magsisi kayo na sana ay nakapag contribute kayo ng medyo malaki-laking amount upang malaki rin ang inyong matatanggap na pension at your retirement.
Ang pension na ito ay pwede ninyong matanggap kahit na kayo ay outside Japan pa nakatira tulad sa Pinas during your retirement. You just need your bank account kung saan ipapadala ng Japan Pension Office ang inyong benefit. Sinasabing every 15th day of the month nila inihuhulog ang pension ng mga member na tumatanggap nito.
Kung meron kayong katanungan about retirement pension, pumunta sa pinakamalapit na Pension Office na meron jurisdiction sa inyong lugar.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|