malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


No syakai hoken contribution for short term visitors in Japan

Jan. 15, 2019 (Tue), 1,860 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa ating mga foreigner na ninirahan dito sa Japan, ang requirements para maging member ng syakai hoken system nila ay dapat na meron tayong eligibility to live here, at ito ay maipapakita natin kung meron tayong Residence Card (RC).


And then, after na makakuha tayo ng RC, by registering ourselves in local municipality kung saan tayo naninirahan, that will be the starting point na magiging member tayo ng social insurance system nila.

Sa mga tourist visa, family visit visa, transit visa at ibang tinatawag na short term visa holder na limited sa period na 3 months (90 DAYS) or below to stay here in Japan, walang binibigay na RC ang immigration sa kanila. So it means na hindi rin kayo makakapag-register ng inyong residency sa mga local municipality, which also means na hindi kayo magiging member ng syakai hoken sysytem nila, at wala rin kayong magiging bayarin sa monthly contribution.

Since hindi sila qualified na maging member, ang inyong mga ini-invite na family, relatives, and friends ay hindi ninyo pwedeng maipasok sa KOKUMIN KENKOU HOKEN during their stay here in Japan. So you need to get another type of health insurance na maaaring makuha nyo sa mga private insurance company kung worried kayo na maaring magkasakit sila during theri short stay.

Sa mga overstayer naman, lalo na yong mga nag-overstay from being a short term visa holder, lucky for them dahil wala rin silang babayaran na anomang contribution sa syakai hoken during their illegal stay here in Japan, pero unlucky naman sa part din nila in case na meron mangyaring accident or nagkasakit sila.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.