Dapat bang magbayad ng nenkin contribution ang mga foreigner dito sa Japan? Sep. 19, 2017 (Tue), 1,495 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa nakasaad sa batas ng nenkin (pension system) ng Japan, kung ang age ninyo ay nasa 20 to 60 years old, at meron registered address sa city hall dito sa Japan, mandatory or nakatakda sa batas na kailangang magbayad ng monthly contribution ang sinomang naninirahan dito sa Japan maging mga Japanese man or isang foreigner.
Sa mga Japanese ang citizenship, its a must thing na maging member sila nito at magbayad ng monthly contribution, pero sa mga tulad nating foreigner, meron exception to the rules. Meaning maaaring hindi na magbayad ang isang foreigner ng nenkin dito sa Japan.
Ang condition dito ay kung merong AGREEMENT between JAPAN at ang bansa ng isang foreigner. Kung ang isang foreigner ay meron na ring nenkin (pension) na binabayaran sa kanilang bansa tulad ng SSS sa Pinas, at kinakailangan pa nyang magbayad ng pension here in Japan, magiging malaking pabigat ito sa isang foreigner. Para ma-solve ang problem na ito, kadalasang nagkakaroon ng AGREEMENT ang JAPAN at ang isang bansa upang maging malinaw kung anong pension system lang magbabayad ang isang foreigner.
Sa ngayon, meron mahigit 18 countries ang meron AGREEMENT sa Japan tungkol sa NENKIN na ito tulad ng America, Canada, Spain, Germany, France, South Korea, Australia, Brazil, Swiss at iba pa. Kung ang isang foreigner na galing sa bansang ito ay meron ng binabayarang pension sa kanila, malaki ang possibility na hindi na sila nagbabayad ng NENKIN dito sa Japan.
Sa atin namang mga Pinoy, sad to say pero walang AGREEMENT ang JAPAN at PHILIPPINES tungkol dito kung kayat kinakailangan nating magbayad ng NENKIN dito sa Japan kahit na meron pa kayong SSS na binabayaran sa Pinas. Upang maging malaki ang matatanggap na pension sa inyong pagtanda, maraming mga kababayan natin ang nagpapatuloy ng kanilang contribution sa SSS kahit na meron silang binabayarang nenkin dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|