Limit and validity ng International Driving License (IDL) in Japan May. 27, 2018 (Sun), 1,773 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng nasabi namin sa first topic, isang way para makapag-maneho kayo dito sa Japan ay ang pagkakaroon ng IDL na nakuha sa Pinas. Kung meron kayo nito, you can legally drive here in Japan kaya lang meron limitation ito.
First, ang IDL ay valid lamang for 1 YEAR here in Japan. Ang validity na one year na ito ay mag-uumpisa at the day ng pagpasok ninyo dito sa Japan. Kung ang validity ng inyong hawak na IDL ay wala ng isang taon, ang magiging validity ng driving permit nyo here in Japan ay until lamang sa expiration date ng inyong hawak na IDL.
Now, in case na plano nyo paring gamitin ang inyong hawak na IDL para makapagmaneho dito sa Japan after 1 YEAR, kinakailangan nyo munang lumabas ng Japan bago mag-expire ang 1 YEAR na limit. Then need ninyong mag-stay ng more than 3 MONTHS sa Pinas or saan mang bansa, then saka bumalik muli here in Japan. This is the only way na magkakaroon ulit kayo ng panibagong 1 YEAR permit to drive here in Japan legally.
Tandaan ninyo ang 3 MONTHS na palugit na kailangan ninyong mag-stay outside Japan. Dahil kung kayo ay pumasok muli ng Japan na wala pang 3 MONTHS ang nakakalipas, illegal kayong magmaneho dito sa Japan kahit na meron pa kayong valid IDL na hawak.
Masasabing ang IDL ay maaaring gamitin ng mga Pinoy na tourist or family visit lang ang purpose here in Japan, or to work here in short term period tulad ng mga trainee. Kung ang foundation ng inyong pamumuhay dito na sa Japan tulad ng mga Permanent Visa holder, hindi na ito recommended sa inyo at need nyo ng ibang license driver at hindi IDL.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|