malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Paano makakapag-apply ng WORKING VISA to work legally in Japan?

Feb. 07, 2017 (Tue), 10,702 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa ngayon, ang main purpose ata ng halos lahat ng gustong pumunta na mga kababayan natin ng Japan ay para makapag-trabaho kahit na ang kanilang visa ay hindi allowed to work. Kung gusto ninyong makakuha ng WORKING VISA to work legally here in Japan for a longer time, ito po ang dapat ninyong gawin.


Sa mga nagtatanong kung paano mag-apply ng WORKING VISA, o kung paano nila makukunan ng WORKING VISA ang kanilang mga kapatid, kamag-anak o kapamilya na sila ang tatayong guarantor, that is not possible po dahil hindi kayo pwedeng tumayong guarantor para sa application nito. Ang allowed or valid lang na pwedeng tumayong guarantor sa WORKING VISA application ay ang isang company or organization kung saan sila ang nag-hire sa tao.

Remember na walang binibigay na WORKING VISA ang Japan immigration para sa mga unskilled labor define in Immigration Law tulad ng mga factory workers, waiter, etc. So para makapag-apply ka ng working visa, a college degree is a must, meron work experience, and certification can help a lot. Para makapag-apply kayo ng WORKING VISA, makakuha ng working permit sa POEA, at hanggang sa makapasok kayo sa Japan, ito ang dapat ninyong gawin na step by step.

First, ang una nyong dapat gawin ay maghanap ng employer or company here in Japan na willing na employ kayo. Like I said above, you need to do this dahil ang mga company or organization lamang ang allowed na maging guarantor sa working visa application ninyo. So kung wala kang employer or mapapasukang company, its impossible na makakuha kayo ng working visa to work here.

Second, mostly kapag na-hire na kayo ng isang company here in Japan, they are the one who will apply for your COE (Certificate Of Eligibility). Need nyo lang ipadala sa kanila ang mga ilang documents galing sa inyo tulad ng TOR, diploma, certification, etc. na magpapatunay sa inyong skills and knowledge na related sa work nature na inyong gagawin here in Japan. May mga documents din na dapat ipasa ang company about sa company establishment nila.

Third, kapag matagumpay na nakakuha ng COE ang company para sa inyong working visa application, the next step na dapat nyong gawin ay kumuha sa kanila ng WORKING CONTRACT or WORKING AGREEMENT. Dapat na ipadala nila ito sa inyo para sa inyong working visa application at pag process ng ilang documents sa POEA at OWWA sa Pinas. Request nyo ito na ipadala sa inyo kasama ang COE. Make sure na detalyado ang inyong kontrata mula sa salary information pati na rin sa kung sino ang mananagot in case na meron nangyaring accident sa inyo here in Japan. Ang Working Contract ninyo ay dapat na dumaan din sa POLO (Philippine Overseas Labor Office) for screening and authentication. So ang employer nyo ay dapat pumunta din dito para sa approval.

Forth, once na nasa inyo na ang COE at WORKING CONTRACT, need nyo na mag-apply ng WORKING VISA sa Japanese Embassy thru accredited agency. Dito nyo kailangan ang COE na nakuha nyo sa company na syang nag-hire sa inyo sa Japan.

Fifth, para makapag-work ka abroad, hindi lamang visa ang kailangan ninyo, need nyo rin ang permit sa OWWA at POEA at dito nyo kailangan process ang inyong OEC (Overseas Employment Certificate). Kailangan ninyo itong makuha upang makalabas ng ating bansa. Kung wala kayo nito, hindi nila kayo papalabasin sa airport immigration sa Pinas. Ang OEC ay isa ring document na magpapatunay na kayo ay isang OFW. Para makakuha kayo nito, pumunta sa POEA at pumunta sa DIRECT HIRE section. Need ninyo dito dumaan sa mga seminar at medical examination ayon sa kanilang rules.

Sixth, kung meron ka ng nakuhang WORKING VISA at OEC, that is the only time na pwede na kayong mag-travel papasok ng Japan bilang isang ganap na worker holding a valid WORKING VISA to legally work here in Japan sa company or organization na inapplyan ninyo.

Above procedure is just a rough draft of the procedure you need to do para makapag work here in Japan legally with a valid WORKING VISA. Maaaring meron pang kailangang mga documents or permit na need ninyong kunin depende sa mga pagbabago sa rules ng Japan Immigration at POEA sa Pinas.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.