malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


TB examination, magiging required for visa application

Jan. 20, 2019 (Sun), 2,608 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito from Nishi Nihon Shimbun, dahil sa tumataas na bilang ng mga foreigner lalo na from Asia na pumapasok dito sa Japan na meron sakit na TB, magiging required ang TB medical examination para sa mga visa applicant that will stay in Japan for more than 90 days.


Ito ang magiging bagong policy ng Japan simula sa April kung saan magsisimula rin ang bagong visa para sa mga blue collar job na papasok ng Japan. Anim mula sa syam na countries ang ipapa-implement nila ito at ito ay ang bansang Philippines, China, Vietnam, Nepal, Indonesia at Myanmar.

Magkakaroon sila ng designated or accredited hospital or clinic sa bawat nabanggit na bansa na syang maaaring puntahan ng mga applicant upang magpa-check, then kukuha ng medical examination certificate bilang patunay na wala silang sakit na TB. Gagawin ito ng mga visa applicants planning to stay in Japan ng more than 90 days.

Sa ngayon, ang mga trainee at ryuugakusei na pumapasok dito sa Japan mula sa anim na bansang nabanggit ang pinakamaraming merong sakit na TB at nangunguna sa dami dito ay ang Pinas ayon sa news.

Ang bilang nga mga foreigner na nagkakaroon ng sakit na TB dito sa Japan ay tumataas yearly. Marami daw ang nakakapasok na merong sakit na TB na hindi rin alam mismo ng taong meron nito dahil hindi nagpapatingin bago pumasok ng Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.