How to confirm your contribution sa syakai hoken? Jan. 18, 2019 (Fri), 2,763 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Bilang isang foreigner na nagtatrabaho dito sa Japan, common lang na magkaroon kayo ng doubt kung talaga bang pinapasok ng inyong employer ang kinakaltas nila sa inyong salary bilang contribution ninyo sa inyong syakai hoken.
Lalong mag doubt kayo kung meron dumarating na bill mula sa kokumin nenkin or kokumin kenkou hoken bilang contribution ninyo for a certain period, samantalang alam nyo naman na binbawasan na kayo sa inyong salary.
As a reminder, meron mga employer or company na gumagawa nito dito sa Japan kung saan ang binawas nila sa inyong salary bilang monthly contribution ay hindi nila pinapasok at ito ay kanilang binubulsa. Di nila ito pinapasok pati na rin ang kanilang contribution bilang company na 50%. Madalas na gawin ito ng mga black company na tinatawag.
Para makasigurado kayo na hindi nawawala ang inyong contribution, ang maaari nyo lamang gawin ay confirm ito directly sa kinauukulan na syang namamahala ng syakai hoken.
Maaari kayong pumunta sa Japan Pension Service office na malapit sa inyong lugar upang ma confirm ang history ng inyong payment. Pwede kayong magpasa ng tinatawag nilang 社会保険料納入証明書 (SYAKAI HOKENRYOU NOUNYUU SYOUMEISYO). They can give you the latest 2 years ng inyong payment history.
Mga 3 (three) days after, darating sa inyo ang report na hiningi ninyo. In case na napatunayan ninyong walang pumapasok na contribution ninyo sa kanila kahit na ito ay binabawas sa inyo ng company or employer ninyo, then its time na gumawa rin kayo ng action. Pwede ninyong report sa kinauukulan ang ginagawa ng inyong employer.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|