Penalty sa mga Imitation Marriage violators (Second Penalty: Visa Application) Feb. 16, 2017 (Thu), 3,125 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa first part ng article na ito, tinalakay natin ang unang penalty na pinapataw ng Japanese government sa mga nahuli nilang tao na involve sa imitation marriage. Sakop sa first penalty hindi lamang ang mga foreigner na merong asawang Japanese, kundi mga mag-asawang Japanese din na gumagawa nito.
Sa second penalty na itinakda ng batas nila, nasasakop nito ay mostly mga Japanese na meron asawang foreigner at meron itong relation sa visa application ng kanilang asawa. Kapag nahuli kayo ng immigration o police sa charge na imitation marriage, then during investigation ay nalaman nila na ginawa mo ito dahil sa ang main objective mo ay para makapag-apply ng visa, then ipapataw nila sa iyo ang Second Penalty. Sa mga kababayan natin na gumagawa ng imitation marriage, mostly ito ang magiging penalty ninyo.
Ayon sa batas nila, ang mga mahuhuling tao na nagsagawa ng imitation marriage para makapag-apply ng JAPANESE SPOUSE VISA, ang penalty na nakalaan dito ay PAGKAKAKULONG NG HINDI LALAGPAS NG TATLONG (3) TAON, O PAGBAYAD NG MULTA NA HINDI LALAGPAS SA 300 LAPAD. KASAMA PA DITO ANG DEPORTATION SA ISANG FOREIGNER AT MAAARING PAG-BLOCK SA KANYA NA MAKAPASOK SA JAPAN.
日本に在留する資格を持たない外国人を隠匿すれば、入管法違反として3年以下の懲役又は300万円以下の罰金
Depende sa bigat ng naging violation ng mga taong nasangkot, maaaring ipatong din sa kanila ang FIRST PENALTY dahil sa pamemeke nila ng mga documents para mai-register ang kanilang kasal na kailangan sa pag-apply nila ng visa. So malaki ang possibility na magiging double ang penalty ng mga nasasangkot.
Mostly ang main reason ng mga pumapasok sa imitation marriage ay upang makakuha ng JAPANESE SPOUSE VISA (JSV) dahil ito lang ang pinakamadaling paraan siguro para sa kanila. Dahil na rin sa advantage ng JSV sa ibang visa, tulad ng walang limit sa pagta-trabaho at madaling pagkuha ng PERMANENT RESIDENCY, marami ang gustong makakuha nito kahit na sa illegal na paraan. Kung kayat meron ding mabigat na kaparusahan ang naghihintay sa mga violators nito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|