Paluwagan na nauuwi sa lokohan, isang madalas na issue ng mga Pinoy sa Japan Dec. 30, 2016 (Fri), 2,532 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ito ay isa pa sa madalas naming matanggap na reklamo dito sa MALAGO mula sa ilang nabiktima nating kababayan na gustong mabawi ang perang nailabas nila. Hindi ito matatawag na isang scam, pero isang madalas na problema na aming natatanggap here so we want to share it also para maging isang babala sa mga kababayan natin dito sa Japan.
Ang paluwagan ay common sa atin sa Pinas at maging dito sa Japan na kadalasang ginagawa ng mga kababayan nating magkakasama sa trabaho. Base sa mga story ng mga natanggap naming reklamo here, karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa omise, mga factory at meron ding mga magkakasamang trainee.
Ang common na reklamo nila ay kadalasang iisa lamang din, at ito ay ang hindi nila pagtanggap ng pera at the time na sila na dapat ang kukobra. Merong itinakbo daw ang pera ng pinaka-leader na syang nangongolekta ng pera, meron namang kulang-kulang ang pera na inabot sa kanila at hindi na naibigay ng buo hanggang sa hindi na rin nagbayad ng contribution ang ibang kasama. So, ang laging issue ay kung paano nila makukuha ang pera, na ang kadalasan din naming naririnig ay parang wala na at naloko lang din sila.
Ang malaking merit sa paluwagan ay makakatanggap ka ng malaking pera depende sa bilang ng mga kasali dito na maaari mong magamit in case of emergency. Lalong lalo na kung nasa top three (3) ka sa mga unang tatanggap nito. Di mo na kailangang magbayad pa ng malaking interest unlike na utangin mo ito sa banko at mga loan company.
Pero bago kayo sumali dito, lagi nyo rin sanang isipin na merong bad side ito. Tingnan nyong mabuti kung mapagkakatiwalaan ba ang lahat ng kasali, na walang tatakbo at magbabayad lagi ng contribution nila. Kung meron kayong doubt, I advise you na mas better na iwasan nyo na lang sigurong sumali at kayo na lang mismo ang mag-ipon ng perang ipambabayad ninyo sa paluwagan na sasalihan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|