malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Sino-sino ang tinatawag na mga 4th generation ng Japan immigration?

Jan. 01, 2018 (Mon), 1,241 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Nagiging mainit na issue now ang pagpapasok ng mga 4th generation here in Japan, kung saan ang nakikitang main purpose or objective nila ay maging additional work force nila ito upang mabigyan ng solution ang lumalaking problema nila sa kakulangan ng manpower.


Sino-sino ba itong tinutukoy na mga 4th generation ng Japan Immigration? Para sa inyong kaalaman, ito po ang definition nila. Sila ang mga APO SA TUHOD ng kanilang mga Japanese na immigrants during world war or mga naiwang mga Japanese soldiers sa mga labanan sa ibat ibang bansa noong panahon ng gyera.

Kung maaaprobahan ang pagbibigay ng DESIGNATED VISA para sa mga 4th generation na ito to work here in Japan legally, ayon sa mga news now, tinatayang mahigit 1,000 katao lamang ang makakapasok dito sa Japan at makakakuha ng visa na ito, and mostly ay mula sa Brazil at Peru.

Sa Pinas, marami rin ang mga Japanese descendants subalit iilan lamang sa kanila ang nabibigyan ng Japanese citizenship now ng Japan Ministry of Justice at ang mga kamag-anakan lamang ng mga ito na nasa 4th generation sa ngayon ang maaaring makapasok dito sa Japan.

Sa pag-apply ng visa, its a requirements na meron kayong maipakitang proof na kayo ay isang Japanese descendants na nasa 4th generation now. At kung hindi ninyo ito mapapatunayan, its impossible na makapag apply kayo ng visa kahit na meron pa kayong kamag-anak dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.