Visa issuance policy for 4th Generation (YON-SE), proposed Oct. 19, 2017 (Thu), 3,522 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa nilabas ng bagong pahayag ng Japan Ministry of Justice, naitakda na ang magiging policy sa pagbibigay ng visa sa mga 4th GENERATION upang makapasok dito sa Japan at makapag-work. Ang kanilang itinakdang condition or requirements para sa pagbibigay ng visa sa mga applicants ay dapat meron itong basic knowledge about Japanese language. Ang mga makakapasok dito sa Japan ay legal na makakapag-trabaho ayon sa policy.
Tinatayang aabot sa libo-libong applicants bawat taon ang papasok dito sa Japan sa pagpapa-implement ng bagong policy na ito. Ayon sa Ministry, tatanggap sila ng mga public comment sa mga mamamayan dito sa Japan tungkol sa pagpapa-implement nito upang makakuha pa sila ng useful information bago nila ito formally na ipa-implement within this year.
Sa bagong system na ito, ang pwede lang makapag-apply ay mga NIKKEIJIN na 4th GENERATION (YON-SE). Ang age ay 18 to 30 years old. Ang ibibigay na visa ay TOKUTEI KATSUDOU ZAIRYUU SHIKAKU or DESGINATED VISA in English na ang total length ay 3 YEARS subalit need itong renew every year. Hindi pwedeng isama ang kanilang family na pumunta here in Japan para makasamang tumira. Kailangan na marunong makipag-communicate sa Japanese language, and able to read and write Japanese language. Ang Japanese skill ay isang must na requirements sa pag-renew ng visa ayon sa policy.
Ayon naman sa mga against sa policy na ito, dapat na consider din ang mga 4th generation at bigyan ng same treatment tulad ng 2nd and third generation, at hindi na kailangan pa ang knowledge about Japanese language dahil balakid lang ito sa mga applicants ayon pa sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|