Applying for Maternity Leave (SANKYUU) sa company Apr. 19, 2018 (Thu), 2,973 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga common housewife lamang here in Japan, I think there is no need for you to do this, pero kung kayo ay working here in Japan at kayo ay manganganak, you better apply for your MATERNITY LEAVE in your employer bago pa dumating ang inyong delivery date.
So lets talk about the MATERNITY LEAVE system here in Japan. Ang Maternity Leave commonly known in Japanese as 産休 (SANKYUU) ay nahahti sa two parts. Ito ay ang 産前休業 (SANZEN KYUUGYOU) Before Birth Work Leave, at 産後休業 (SANGO KYUUGYOU) After Birth Work Leave. Pag pinagsama ang dalawang ito, ito ang common na tinatawag na 産休 (SANKYUU) Maternity Leave.
In general, ang pagbibigay ng maternity leave sa mga babaeng manganganak ay mandatory at obligation ng lahat ng company here in Japan at ito ay nakasaad sa kanilang batas. As long that it is a working woman, kahit na ano man ang status ng kanyang employment, maging regular employee man, contractual, part timer, arubaito at ano pa man, anyone can apply for Maternity Leave.
Kahit na ang isang babae ay kakaumpisa pa lamang ng work at ito ay nabuntis, meron syang rights na kumuha ng maternity leave at walang magagawa ang isang company dito. Ang isang company ay hindi pwede hindi aprobahan ang maternity leave application ng isang buntis, at hindi rin pwedeng gawin itong dahilan para sya ay matanggal o tanggalin sa trabaho dahil ito ay pinagbabawal sa batas nila.
Ang usual length ng MATERNITY LEAVE ay nakatakda rin sa batas dito sa Japan. Before giving birth, ang isang babae ay pwede nang mag-apply ng Maternity Leave 6 WEEKS before the schedule delivery date ng baby. Kung ang baby na ipapanganak naman ay kambal, maaari na syang kumuha nito 14 WEEKS before the delivery date. Then after maisilang nya ang bata, ang maternity leave nya ay tatagal ng 8 WEEKS after she gave birth ayon sa nakatakda sa kanilang batas. After nito, maaari na syang makabalik sa kanyang trabaho.
Meron mga instances na maagang makabalik sa trabaho ang isang nanganak mga 6 WEEKS after giving birth kung gugustuhin nya. Kaya lang, meron dapat medical permit mula sa doctor ayon din sa itinakda ng kanilang batas.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|